Makagwapo itinanggi ang pangakong P349k kay Xander Ford: Hindi ko responsibilidad ang anak mo! | Bandera

Makagwapo itinanggi ang pangakong P349k kay Xander Ford: Hindi ko responsibilidad ang anak mo!

Therese Arceo |May 18,2023
facebook
share this

Makagwapo itinanggi ang pangakong P349k kay Xander Ford: Hindi ko responsibilidad ang anak mo!

Therese Arceo - May 18, 2023 - 06:01 PM

Makagwapo itinanggi ang pangakong P349k kay Xander Ford: Hindi ko responsibilidad ang anak mo!

PINABULAANAN ng social media personality at vlogger na si Makagwapo o si Merck Christian Grey sa totoong buhay na nangako siyang sasagutin ang binyag ng anak ni Xander Ford.

Sa inilabas niyang video sa Facebook ay ipinaliwanag niya na walang katotohanan ang mga kumakalat sa social media.

“Yung binyag sa anak ni Marlou, wala talaga akong ipinangako doon, hindi tulad ng mga sinasabi ni Marlou [Xander Ford],” saad ni Makagwapo.

Aminado siyang nagkausap sila ni Xander at ipinaalam nito sa kanya na pabibinyagan nito ang anak na si Xeres.

Dito raw ay nagbiro si Makagwapo at sinabing, “Sige, Marlou. Gusto mo sagutin ko pa ‘yuny pabinyag ng anak mo e.”

Para sa kanya, biruan at kwentong yabangan lang iyon at hindi niya inakalang seseryosohin ito ng kapwa social media personality.

Giit pa ni Makagwapo, wala raw mailabas na screenshot o patunay si Xander na nangako siya rito dahil hindi naman daw ito nangyari.

Ang nakakatawa pa nga raw kay Xander ay hindi man lang daw siya nito nagawang imbitahin sa binyag ni Baby Xeres at ngayon daw ay nagkautang pa siya rito.

Baka Bet Mo: Xander Ford ‘sinisingil’ ng P349k si Makagwapo: ‘Gusto ko lang naman makuha ‘yung para sa amin’

“Bukod sa hindi mo na nga ako kinuhang ninong, hindi mo pa ako inimbita. Ngayon, may utang pa ako sa ‘yo na 349,000?” sey pa niya.

Giit pa ni Makagwapo, “Una sa lahat, hindi ko responsibilidad ‘yang anak mo. Responsibilidad no yan.”

“Kaya ka kumuha dapat ng ninong para gabayan ang anak mo, hindi para sa pera.”

Pinangaralan rin ni Makagwapo si Xander sa tunay na role ng mga ninong at ninang sa mga inaanak.

“Ang ninong, sila magga-guide sa paglaki ng anak mo, hindi sila ‘yung aasahan mong sumagot ng pabinyag sa anak mo,” sey pa niya.

Matatandaang nanawagan si Xander kamakailan sa social media kung saan sinisingil niya si Makagwapo na nangakong aakuin ang kalahati ng gastos sa pagoapbinyag sa anak.

“Merck ganto nalang bayaran mo nalang yung 349k na ipinangako mo sa amin kasi yun lang naman yung gusto ko ipag paban dito edi sana hindi nalang muna kami nag pabinyag kung alam ko lang na hindi mo tutuparin yan,” lahad ni Xander.

Lumapit pa nga ito kay Awitgamer para makuha ang perang ipinangako ng kanilang kapwa social media personality.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ogie Diaz nag-react sa ‘patama’ post ni Xander Ford: Kung ako man itong pinariringgan, pasensya na

Xander Ford humingi ng tulong para makuha ang P349k kay Makagwapo, aware na imbyerna sa kanya ang madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending