Xander Ford may pa-face reveal sa bagong dyowa ni Gena

Xander Ford wasak ang puso, may pa-face reveal sa bagong dyowa ni Gena

Pauline del Rosario |April 29,2024
facebook
share this

Xander Ford wasak ang puso, may pa-face reveal sa bagong dyowa ni Gena

Pauline del Rosario - April 29, 2024 - 06:18 PM

Xander Ford wasak ang puso, may pa-face reveal sa bagong dyowa ni Gena

PHOTO: Facebook/Xander Arizala

MAY mga hindi naniniwalang hiniwalayan ng partner si Xander Ford.

Sa isang latest Facebook post, tila pinalagan niya ang isang basher na nagsasabing “for the content” lang ang drama umano ngayon ng social media personality.

Sagot sa kanya ni Xander, “Sana nga content nalang ‘to para hindi masakit.”

Sey pa niya, “Kasi alam niyo ‘yun, mas gusto ko na lang isipin na content na lang ang lahat o kaya prank nalang ang lahat para hindi madagdagan ‘yung sakit at hindi mabawasan ‘yung love. So sana content nalang ito ‘no.”

Kung maaalala, nabanggit ng dating hasht5 member na kaya siya iniwan ng partner na si Gena Mago ay  dahil sumama na ito sa kanyang kaibigan.

Baka Bet Mo: Xander Ford nagmakaawa kay Kathryn: ‘Sana isang araw mapatawad mo po ako’

“Magkakasama kami, pero hindi ko alam na meron pa lang inside story,” sambit ni Xander sa latest post.

Kasunod niyan ay may mga ipinakita siyang TikTok videos na magkasama si Gena at ‘yung sinasabi niyang kaibigan niyang lalaki.

Ang mga naturang videos ay ipinost mismo ng sinasabi niyang friend na tumaksil sa kanya kaya naipakita na rin niya ang “face reveal” ng sinasabi niyang umahas sa kanya.

Sa isang video, may caption pang nakalagay na “Angel” at naka-tag si Gena.

“Ito ‘yung masakit, makikita mo ‘yung video,” pagtatapat ni Xander sa FB.

Patuloy niya, “Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko sa mga ginagawa nila, pero para sa akin, ang sakit sakit ng ganitong nangyayari.”

“Kaya sana matauhan din sila. Maisip nila na may pamilyang nawasak dahil sa mga kagustuhan nila,” wika pa ng socmed personality.

Bago matapos ang kanyang video ay nag-iwan siya ng mensahe para doon sa lalaking ipinalit sa kanya ni Gena.

“Sinasabi ko sayo, tapusin mo na ‘yan ‘tol. Sana wag nalang ‘yung asawa ko dahil maraming babae sa mundo. Sana iba nalang,” ani ni Xander.

Kamakailan lang nang ibinandera ni Xander ang kanyang pamamaalam sa partner matapos matuklasan na nagchi-cheat na pala ito sa kanya.

“Bakit ganun Babe Gena, sa dami mong gugustuhing tao, bakit ‘yung kaibigan ko pa [crying, broken heart emojis],” saad niya sa naunang post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung maaalala, June last year nang unang hiwalayan ni Gena si Xander dahil sa isyu ng ‘di umano’y paniningil ng huli ng pera sa kapwa-socmed personality na si Christian Merck Grey.

Kung matatandaan naman nang ibinandera ni Xander noong September 2022 ang pagbubuntis ni Gena sa panganay nilang anak at isinilang ang bata noong December 29 sa parehong taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending