Makagwapo naiingayan kay Xander Ford, handa na bang ibigay ang 'ipinangakong' P349k? | Bandera

Makagwapo naiingayan kay Xander Ford, handa na bang ibigay ang ‘ipinangakong’ P349k?

Therese Arceo |May 23,2023
facebook
share this

Makagwapo naiingayan kay Xander Ford, handa na bang ibigay ang ‘ipinangakong’ P349k?

Therese Arceo - May 23, 2023 - 05:51 PM

Christian Merck Grey, naiingayan kay Xander Ford, handa na bang ibigay ang 'ipinangakong' P349k?
MUKHANG matatapos na ang parinigan serye online ng dalawang social media personalities na sina Christian Merck”Makagwapo” Grey at Xander Ford.

Sa kanyang inilabas na Facebook video ay sinabi niyang para raw sa inosenteng bata na nadadamay sa isyu ay ibinigay na niya ang hinihinging P349k ni Xander.

“Ayoko naman na parang may nadadamay na bata which is yung anak ni Marlou, siyempre tatay rin naman ako, so para matapos na, para matuldukan na ‘to, oh sige na Marlou, papaubaya na ‘ko… ibibigay ko na yung perang hinihingi ni Marlou!” pagbabahagi ni Merck.

Dagdag pa niya, “Kahit hindi niya ako inimbita [sa binyag]. Para lang matapos na ‘to, kasi nadadamay na yung bata, ibibigay ko na yung ₱349,000 na sinasabi mo Marlou.

Ngunit paglilinaw ni Merck, biro lang ang una niyang pahayag noon at hindi niya inaasahang seseryosohin ito ni Xander.

Baka Bet Mo: Xander Ford ‘sinisingil’ ng P349k si Makagwapo: ‘Gusto ko lang naman makuha ‘yung para sa amin’

Isa pa, masyado na raw siyang naiingayan sa dating miyembro ng Hasht5 na panay ang talak sa Facebook.

Matatandaang kamakailan ay laman ng social media sina Xander at Merck dahil sa isyu na may kinalaman sa pera.

Pagbabahagi kasi ni Xander, nangako raw sa kanya ang kapwa socmed personality na sasagutin nito ang kalahati ng gastos sa magiging binyag ng anak niyang si Baby Xeres.

Kaya naman nang hindi raw tuparin ni Merck ang kanyang pangako ay nanawagan siyang nanawagan sa social media.

Matapos ang ilang araw na pagkalampag ni Xander ay nagsalita na rin ito at dinenay na may ipinangako siya sa kapwa socmed personality.

“Una sa lahat, hindi ko responsibilidad ‘yang anak mo. Responsibilidad no yan,” sey ni Merck.

Related Chika:
Makagwapo itinanggi ang pangakong P349k kay Xander Ford: Hindi ko responsibilidad ang anak mo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xander Ford humingi ng tulong para makuha ang P349k kay Makagwapo, aware na imbyerna sa kanya ang madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending