Xander Ford bumanat kay Merck ukol sa pangakong P349k: Kung hindi mo kayang ibigay, sabihin mo! | Bandera

Xander Ford bumanat kay Merck ukol sa pangakong P349k: Kung hindi mo kayang ibigay, sabihin mo!

Therese Arceo |May 21,2023
facebook
share this

Xander Ford bumanat kay Merck ukol sa pangakong P349k: Kung hindi mo kayang ibigay, sabihin mo!

Therese Arceo - May 21, 2023 - 06:05 AM

Xander Ford bumanat kay Merck ukol sa pangakong P349k: Kung hindi mo kayang ibigay, sabihin mo!
MULING nagsalita ang social media personality na si Xander Ford laban sa kapwa vlogger na si Christian Merck Grey hinggil sa diumano’y pangako nitong sasagutin ang binyag ng kanyang Baby Xeres.

Matapos ang reaction video na inilabas ni Merck sa naging paglapit niya kay Awitgamer para manawagan sa “pangako” nitong sasagutin ang kalahati ng gastos ng binyag.

Saad ni Xander, “Gusto ko lang linawin sa inyo guys na wala naman akong pakialam doon sa mga screenshot na sinasabi ni Christian Merck Grey.

“Ang ipinupunto ko po rito sa sinasabi ko, kay Christian Merck Grey… alam mo Christian Merck Grey, ang pinupunto ko rito, is kaya kita kinuhang ninong kasi sinabi mo sa akin na sasagutin mo yung binyag ng anak ko. ‘Di ba, natatandaan mo ‘yon.”

Baka Bet Mo: Makagwapo itinanggi ang pangakong P349k kay Xander Ford: Hindi ko responsibilidad ang anak mo!

Chika pa ng social media personality, si Merck daw mismo ang nag-alok na bibigyan siya ng pera.

“Tapos ikaw pa ang nagsabi sa akin na bibigyan mo ako ng 349k na pera. Oo wala nga akong naipakitang video sa ‘yo ‘di ba huwag kang kup*l!” nanggigigil na sabi ni Xander.

Pagpapatuloy niya, “Huwag kang kup*l, Merck. Huwag mong binabago yung usapan. Huwag mong iniiba yung usapan. Kaya kita kinuha kasi sabi mo sa akin, gusto mo sasagutin mo yung binyag.”

Giit pa ni Xander, huwag nang magyabang si Merck.

“Ito lang Merck, masasabi ko sa ‘yo, last na ‘tong sasabihin ko sa ‘yo, kung hindi mo kayang ibigay sabihin mo, ‘wag ka nang maraming sinasabi,” banat niya.

Matatandaang sa isang video na inilabas ni Merck ay dinenay nito na may ipinangako siya kay Xander.

Aniya, nagbibiro lang siya noon at parang yabang lang na sasagutin ang binyag ni Baby Xeres ngunit hindi niya ine-expect na seseryosohin ito ng kaibigan.

Giit pa ni Merck kay Xander, “Una sa lahat, hindi ko responsibilidad ‘yang anak mo. Responsibilidad no yan.”

Related Chika:
Xander Ford ‘sinisingil’ ng P349k si Makagwapo: ‘Gusto ko lang naman makuha ‘yung para sa amin’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awitgamer sinabing hindi ‘mukhang pera’ si Xander Ford, galit na galit kay Makagwapo: Wala ka talagang isang salita!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending