Xander Ford naglabas ng sama ng loob: 'Ngayon ang binyag ng anak ko, ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan kong pupunta sila yung wala' | Bandera

Xander Ford naglabas ng sama ng loob: ‘Ngayon ang binyag ng anak ko, ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan kong pupunta sila yung wala’

Ervin Santiago |May 04,2023
facebook
share this

Xander Ford naglabas ng sama ng loob: ‘Ngayon ang binyag ng anak ko, ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan kong pupunta sila yung wala’

Ervin Santiago - May 04, 2023 - 06:39 AM

Xander Ford naglabas ng sama ng loob: 'Ngayon ang binyag ng anak ko, ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan kong pupunta sila yung wala'

Xander Ford at Baby Xeres

MARAMING naawa sa social media personality na si Xander Ford dahil sa nangyari sa binyag ng kanyang panganay na anak na si Xeres Isaiah.

Naglabas kasi siya ng sama ng loob sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, sa mga taong malalapit at importante sa kanya ngunit hindi raw dumating sa binyag ng anak nila ni Gema Mago.

Nagsumbong si Xander o Marlou Arizala, sa kanyang mga IG followers sa hindi pagsipot ng mga inimbitahan nila para saksihan sana ang napakahalagang araw sana sa buhay ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon kay Xander Ford, “Ngayon yung binyag ng anak ko ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan ko na pupunta sila yung wala.

“Kahit yung presensya lang sana para sa baby ko ok na ako pero alam ko di rin kami importante kasi di naman na kami sikat,” ang mensahe pa ng internet at socmed personality sa kanyang IG Story.

Baka Bet Mo: Xander Ford gustong mag-sorry nang personal kay Kathryn Bernardo, umaming binayaran lang para manglait

Wala namang binanggit si Xander kung sino-sino ang mga tinutukoy niyang bisita na nangdedma sa binyag ng anak. Hindi rin niya in-explain kung bakit hindi  nakarating ang mga ine-expect niyang mga guest.

Last April 24, nag-post sa Instagram si Xander ng kopya ng imbitasyon para sa binyag ni Baby Xeres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xander Arizala (@z4nder.official)


Nakasaad sa nasabing invitation na kahapon, May 3, nga ang binyag ng anak nila ni Gema na gaganapin sa isang chapel sa Silang, Cavite.

Nakasulat din sa imbitasyon na 1 p.m. ang simula ng binyag habang ang reception naman ay magaganap sa isang resort sa Alfonso, Cavite.

Kung matatandaan, ibinandera ni Xander noong September, 2022, ang pagbubuntis ni Gema sa panganay nilang anak. Isinilang ang bata noong December 29, 2022.

Angelica emosyonal sa binyag ni Baby Bean: ‘Grabe, naiiyak ako kasi ganito pala ‘yun…’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xander Ford magiging tatay na, hirit ni Xian Gaza: Sana lang huwag maging kamukha, jusko por santo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending