Gillian Vicencio pumalag sa pagkakadawit sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
ITINANGGI ng Kapamilya actress na si Gillian Vicencio na may kinalaman siya sa break up nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Nasangkot na naman kasi ang dalaga sa isyu matapos kumpirmahin ni Kathryn noong November 30 na talagang hiwalay na sila matapos ang 11 years na pagsasama.
May kumakalat kasing chika na diumano’y si Gillian ang “third party” kaya nauwi sa hiwalayan ang matagal na relasyon ng KathNiel.
Ayon pa sa chika ay may nangyari sa dalawa na nakarating kay Kathryn kaya nag-decide ito na tuluyang hiwalayan ang aktor.
Ngunit nitong Biyernes ng gabi, December 1, tuluyan nang ipinagtanggol ni Gillian ang sarili laban sa mga hindi magagandang komento na ibinabato sa kanya ng netizens.
“Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo,” saad ng Kapamilya actress.
Baka Bet Mo: Gillian Vicencio ipinagtanggol ni DJ JhaiHo sa pagkakadawit sa KathNiel break up: Tigilan n’yo!
View this post on Instagram
Pakiusap pa ni Gillian, “Bigyan naman po natin sila ng respeto.”
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na iniugnay ang Kapamilya actress kay Daniel.
Sa katunayan, sa naging guesting ni Gillian sa “Marites University” noong August, una na niyang pinabulaanan ang chikang may something sila ng aktor.
Matatandaang nagkasama ang tatlo sa seryeng “2 Good 2 Be True” kung saan gumanap siya bilang si “Tox”, isa sa mga malalapit na kaibigan ni “Eloy” (Daniel).
Nauna naman nang depensahan ni DJ JhaiHo ang dalaga ukol sa mga paratang na ibinabato sa kanya.
“FAKE NEWS! Nakakatawa na ngayon naman si GILLIAN naman ang idadawit?”
“Lahat nalang talaga? Actually nakarating saakin to pero Kulang mga character sa another gawa gawang kwento na to!!! Tigilan niyo si GILLIAN! Nanahimik at walang kaalam alam dinadamay niyo!” sey ni DJ JhaiHo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.