Gillian Vicencio ipinagtanggol ni DJ JhaiHo sa pagkakadawit sa KathNiel break up: Tigilan n'yo! | Bandera

Gillian Vicencio ipinagtanggol ni DJ JhaiHo sa pagkakadawit sa KathNiel break up: Tigilan n’yo!

Therese Arceo - December 02, 2023 - 12:37 PM

Gillian Vicencio ipinagtanggol ni DJ JhaiHo sa pagkakadawit sa KathNiel break up: Tigilan n'yo!

DJ JhaiHo at Gillian Vicencio

PINABULAANAN ni DJ JhaiHo ang mga lumalabas na balitang may kinalaman si Gillian Vicencio sa hiwalayang Kathyn Bernardo at Daniel Padilla.

Matapos kasi ang inilabas na official statement ni Kathryn ukol sa kanilang break up ni Daniel after 11 years, maraming espekulasyon ang naglabasan kung “sino” ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

At isa nga sa nadadawit ay ang Kapamilya actress na si Gillian na minsan nilang nakasama sa teleseryeng “2 Good 2 Be True” pero agad itong ipinagtanggol ni DJ JhaiHo.

Marami na rin kasing natatanggap na pambabatikos ang dalaga sa kanyang recent post sa Instagram dahil na rin sa kumakalat na leaked conversation sa social media kung saan sinasabing nakita na raw ng dalaga ang pribadong parte ni Daniel.

Mukha namang hindi na nagtataka si DJ JhaiHo sa mga naglipanang chika kay Gillian dahil aware ito kung sino man ang nagpapakalat nito.

Agad nga niyang nilinaw na walang kinalaman ang dalaga sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel.

Baka Bet Mo: Gillian Vicencio dawit sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sa totoo lang hindi na ako magtataka kung bakit lumabas tong ka FAKE NEWSan na dinadawit si GILLIAN. Ayyy dzaiiiiiii TIGILAN niyo,” saad ni DJ Jhai Ho.

“Alam ko kung SINO kang nagpapakalat ng CHIKA na to! WAG KA NA MANDAMAY pa!” dagdag pa niya.

Binalaan rin ni DJ JhaiHo ang mga nagpapakalat ng chika na tumigil na sa ginagawang paninira sa Kapamilya actress.

Bukod pa rito, parehas raw ang kumalakalat na chika sa nauna nang nakarating sa kanya na wala namang katotohanan.

“TANTANAN si GILLIAN na walang kaalam alam dinadamay pa sa ganito!!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“ANG Galing ng bagong narrative ha Same na same kung paano nakarating saakin!!!!!!! As in VERBATIM!!!!! tigilan niyo si GILLIAN!!!!” sey pa niya.

Pinabulaanan na rin namang muli ng aktres ang chika at sinabing bigyang respeto sina Kathryn at Daniel sa kanilang kasalukuyang pinagdaraanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending