Gillian Vicencio insecure at inggit nga ba sa mga 'sisters' niyang sina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Charlie Dizon? | Bandera

Gillian Vicencio insecure at inggit nga ba sa mga ‘sisters’ niyang sina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Charlie Dizon?

Ervin Santiago |August 08,2023
facebook
share this

Gillian Vicencio insecure at inggit nga ba sa mga ‘sisters’ niyang sina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Charlie Dizon?

Ervin Santiago - August 08, 2023 - 07:16 AM

Gillian Vicencio insecure at inggit nga ba sa mga 'sisters' niyang sina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Charlie Dizon?

Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Gillian Vicencio at Belle Mariano

MARAMI ang nagtatanong kung hindi ba naiinggit ang Kapamilya young actress na si Gillian Vicencio sa mga kasabayan niya sa showbiz na gumagawa na ng sariling marka sa showbiz.

Sa mga nababasa naming mga comments sa social media, palaging may mga nang-iintriga na baka raw nai-insecure si Gillian kina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Charlie Dizon.

Nagkasama-sama ang apat bilang mga young Salazar sisters sa Star Cinema film na “Four Sisters Before The Wedding” na ipinalabas noong 2020. Ito yung prequel ng blockbuster movie na “Four Sisters And A Wedding.”

Pinagbidahan naman ito nina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin at Shaina Magdayao kasama si Enchong Dee.

Sa guesting ni Gillian sa morning talkshow ng ABS-CBN na “Magandang Buhay” nitong nagdaang Lunes, para sa promo ng bago niyang digital series na “ReTox 2 Be Continued” kasama ang leading man niyang Yves Flores, natanong nga ang dalaga tungkol dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gillian Vicencio (@_gillianvicencio)


Sagot ni Gillian, “Insecurity po? Actually po wala. Kasi po parang kapag may nakikita po na may mga projects sila. Parang ‘uy ang tagal mong gusto ito, gusto mo ang ginagawa mo, eto na siya nandito na siya.’

“So, ang saya kasi nakita ko rin po kung paano sila, like ‘yung gusto talaga nila ang ginagawa nila, nakita ko po ‘yon. So deserve, everything,” dugtong pa ng dalaga.

Alam din daw niya na happy din sina Alexa, Belle at Charlie para sa kanya lalo na ngayong nabigyan na rin sila ni Yves ng sariling serye dahil sa tagumpay ng tambalan nila sa “2 Good 2 Be True” na pinagbidahan noon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Yves Flores, Gillian Vicencio magdyowa na nga ba matapos ma-develop sa ‘2 Good 2 Be True’?

At para patunayang wala siyang inggit o insecurity na nararamdaman sa kanyang mga “sisters”, nag-promote rin siya sa “Magandang Buhay” ng pelikula ni Charlie kasama ang boyfriend nitong si Carlo Aquino, ang “Third World Romance” na showing na sa mga sinehan sa August 16.

Suportado rin daw ni Gillian ang teleserye ngayon ni Alexa na “Pira-pirasong Paraiso” kung saan kasama rin si Charlie at looking forward din siya sa upcoming series ni Belle kasama si Donny Pangilinan, ang “Can’t Buy Me Love.”

Samantala, humahataw na rin ngayon ang “ReTox 2 Be Continued” sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Gillian Vicencio aminadong laking Quiapo, may chance nga bang maging dyowa si Yves Flores?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gillian Vicencio aminadong nakakaramdam ng pagod sa pag-aartista: Gusto kong maramdaman na may resulta ‘yung pagta-trabaho ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending