Yves Flores, Gillian Vicencio may 'MU' na, umaming naglalambingan at nagsusuyuan | Bandera

Yves Flores, Gillian Vicencio may ‘MU’ na, umaming naglalambingan at nagsusuyuan

Reggee Bonoan - August 03, 2023 - 09:05 PM

Yves Flores, Gillian Vicencio may 'MU' na, umaming naglalambingan at nagsusuyuan

Gillian Vicencio at Yves Flores

NAPANOOD namin ang dalawang episode ng “ReTox 2 Be Continued”, ang spin-off ng “2 Good 2 Be True” series nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nu’ng Agosto 1 at 2 sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Hindi halatang dalawang taong napahinga sina Yves Flores at Gillian Vicencio bago nila sinimulan ang pagpapatuloy ng kuwento ng kanilang tambalan sa “ReTox 2 Be Continued.”

Isa rin kasi sina Red (Yves) at Tox (Gillian) sa inaabangan noon ng viewers sa “2 Good 2 Be True” dahil talagang agaw pansin din ang kakulitan nila at may sarili silang kuwento kaya kailangan din nilang ituloy ito.

Ayon kina Direk Denise O’Hara at Paco Sta. Maria, nakitaan na nila ng magandang chemistry noon ang ReTox at puwede pang ituloy ang kuwento nila mula sa “2 Good 2 Be True” dahil nga sila ang unit 2 at si Direk Mae Cruz-Alviar naman ang unit 1 kung saan kabilang sina Daniel, Kathryn at Ronaldo Valdez bilang si Lolo Sir.

“Nu’ng hiningan kami ng mga concept and at that time kasagsagan din ng 2 Good (2 Be True) napansin namin malakas ‘yung following ng ReTox.  Siyempre nu’ng una bato-bato lang na what if gawan natin ng spin-off na hindi pa nangyayari (sa anumang TV series) na may spin-off.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yves Flores (@yvesfloreszeroseven)


“So, we were so happy na we were able to pull it off sabi nga ni Yves hindi usual. Ang hinihingi sa amin ay season 2 or season 3 ng fans, so, parang ang ganda rin ng twist na ang ibinigay namin ay spin-off,” pahayag ng writer-director na si Denise O’Hara.

Natanong naman si direk Paco kung ano ang magiging pagkakaiba nina Red at Tox kumpara sa napanood na sa “2 Good 2 Be True.”

“Since spin-off, so, hindi kami puwedeng lumayo what we established kung sino si Red and Tox before na same vibrant characters na funny, light pero we wanted them to portray in a different way.

“Gusto naming ipakita ‘yung mas malalim pa, so, dito mapapanood n’yo na sila pa rin pero mas makilala n’yo pa sila,” paglalarawan ng direktor.

Sabi naman ni Gillian, hindi sila aware ni Yves kung ano ‘yung nakikita ng tao sa kanilang tambalan during “2 Good 2 Be True” at natutuwa sa kanilang dalawa.

Baka Bet Mo: Gillian Vicencio aminadong laking Quiapo, may chance nga bang maging dyowa si Yves Flores?

Base sa napanood naming dalawang episodes ng “ReTox 2 Be Continued” ay may flashback ng mga simple things na nagkakagusto na ang dalawa sa isa’t isa na hindi lang nabigyan pansin noon sa “2 Good 2 Be True” kasi nga nakatuon ang atensyon sa kuwento nina Eloy (Daniel) at Alisson (Kathryn).

Dito sa “ReTox”, ipinakita na kung bakit mag-isang itinaguyod si Tox ng kanyang amang si Earl Ignacio as Mang Ben, kasi pala nangibang bansa ang nanay niyang si Mercedes Cabral as Abegail at nagkaroon ng sakit na amnesia kaya hindi nakabalik sa mag-ama niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yves Flores (@yvesfloreszeroseven)


Ang alam ni Tox ay inabandona sila ng nanay niya kaya nagtanim siya ng galit dito na sa episode 2 ay sinusuyo na siya nito pero nagmamatigas siya.

Interesting ang kuwento ng “ReTox 2 Be Continued” kaya for sure aabangan ito ng supporters nina Yves at Gillian.

Samantala, isa kami sa nakapansin na kakaiba ang body language ng ReTox habang isinasagawa ang mediacon na ginanap sa 9501 Restaurant kaya duda ng lahat ay may relasyon na ang dalawa kahit pa nabanggit ni Yves na wala silang dapat aminin ni Gillian.

Pero sa bandang huli ay sinabi ni Yves na si Gillian ang dapat tanungin at inamin ding lumalabas (nagde-date) talaga sila.

“Siguro naman po meron ng mutual understanding about each other’s feelings (nagtakip ng mukha si Yves na natatawa),” say ni Gillian.

Dagdag ni Yves, “Actually ganyan din ang tanong sa amin ng co-actors namin sa 2 Good lalo na ako lagi akong nako-corner kung ‘ano na, ano na?’ Sabi ko bakit ako ang tinatanong ninyo dapat si Gillian ang tanungin ninyo.”

Tinanong namin si Yves kung may nararamdaman na siyang kilig noon kay Gillian habang ginagawa nila ang “2 Good 2 Be True” o dahil lang sa role at natuloy ba ito off-camera. Ano ang pagbabago ngayong itinuloy nila ang kuwento nina ReTox after two years.

“Kuwento ko lang, itong ReTox kasi hindi namin ini-expect (kasi) wala sa script nu’ng ibinigay sa amin nu’ng una, wala rin sa story. Tapos may mga eksena kasi na lagi kaming nagbabardagulan ni Gillian o ni Tox na hindi idinirek o wala sa script talaga, so, minsan si Gillian sisikuhin ko bigla (singit ni Gillian, nao-off frame daw siya noon).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gillian Vicencio (@_gillianvicencio)


“Tapos sa gitna ng cycle (2 Good 2 Be True) habang nagsu-shoot kami, sabi ni direk Mae, ‘pag loveteam ko kaya ‘yung dalawa?’ Sa akin, ‘huh bakit?’ Kasi ang tingin ko kay Gillian batang-bata kasi ang tatangkad naming tatlo kami nina DJ (Daniel) at ni Mat (Evans) tapos feeling ko may isang batang babae na kasama kami lagi.

“Tapos sa tagal mayroon silang nakikita na hindi namin nakikita sa screen tapos eventually nang mapanood namin parang may something nga na hindi naman namin sinasadyang gawin ‘yun.

“May eksena na idinirek na nagpapanggap kaming magdyowa at bawal kiligin tapos hindi namin mapigilan na kinikilig kaming dalawa.  Ito (sabay turo kay Gillian) off frame pero kinikilig kami, so, ang nangyari pina-reshoot kami kasi hindi siya kasama sa scene.

“Tapos ngayon after 2 years ng relationship ng ReTox mas lumalim na hindi na p-tweetums pero nandoon pa rin ‘yung lightness, may konting comedy, kasama na ‘yung family (sa kuwento), sa friends at sa sarili namin bakit hindi kami magkasundo,” mahabang balik-tanaw ng aktor.

Hirit ni Gillian, “So, ang tanong kung kinikilig ka raw ba? ‘Yun lang naman ang tanong! Kinikilig ka ba?”

“Oo naman, ikaw kinikilig ka ba?” sagot ni Yves.

Napangiting sagot ng aktres, “Oo naman. Ha-Hahaha! May mga eksena po talagang nakakakilig. Pag binabasa mo pa lang (script) nakakakilig na so mas lalo pa pag ginagawa n’yo na kasi nakikita nyo na ang reaksyon ng isa, di ba?”

Sabay pasalamat ng ReTox kay direk Denise dahil ang ganda raw ng pagkakasulat at sakto sa karakter ng dalawa.

Tinanong naman namin si Gillian kung ano na ang development sa kanila ni Yves at open ba ang possibility na maging sila na binanggit niya sa amin a year ago.

“Totoo naman ‘yun siyempre hindi natin alam kung ano ‘yung mga puwedeng mangyari, di ba? Ang development ay okay naman naglalambingan, nagsusuyuan kasi hindi ko naman matiis si Yves, cute, eh,” masayang sagot ng dalaga.

Pag sinusuyo pala ni Gillian si Yves ay through physical touch, sa kamay daw na parang minamasahe ng aktres.

Yves Flores, Gillian Vicencio magdyowa na nga ba matapos ma-develop sa ‘2 Good 2 Be True’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gillian Vicencio aminadong nakakaramdam ng pagod sa pag-aartista: Gusto kong maramdaman na may resulta ‘yung pagta-trabaho ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending