News5 nag-sorry sa maling balita ukol sa ‘iringan’ nina Vice Ganda at Marian Rivera
HUMINGI ng paumanhin ang pamunuan ng “Frontline Sa Umaga” ng TV5 kina Unkabogable Star Vice Ganda at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil sa mali nitong balita ukol sa dalawa.
Sa ulat kasi na lumabas sa kanilang programa noong Huwebes, September 1, nagkaayos na raw ang dalawang big stars matapos magkaroon ng iringan noon.
Ang iringan na sinasabi sa report ng News5 ay nagsimula raw noong punahin ni Vice Ganda ang grammar ni Marian.
Agad namang nakarating sa “It’s Showtime” host ang naturang balita at agad itong pinalagan.
Sa Twitter ay makikita tinawag ni Vice ang pansin ng mga taong involved sa fake news patungkol sa pagitan nila ni Marian.
Saad niya, “Ha??????!!!!!!!!!!! San galing ang balitang to?????? Nagkaissue kami? Iringan??!!!!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!”
Agad namang nag-reply si Gretchen Ho kay Vice at humingi ng tawad. Sinabi rin nito na iimbestigahan nila ang naturang ulat.
Kaya sa mismong show ay nag-apologize ang news anchor at inaming nagkamali sila sa kanilang ulat patungkol sa dalawa.
“Pagwawasto lamang po. Humihingi kami ng paumanhin sa mga personalidad na nasangkot sa maling report na inilabas dito sa showbiz segment ng Frontline sa Umaga na nagsabing nagkaroon ng iringan sina Vice Ganda at Marian Rivera,” sey ni Gretchen.
Hindi rin ito report ng aming correspondent na si MJ Marfori. Base sa aming imbestigasyon, hindi nanggaling sa kanya ang anumang detalye na lumabas sa maling report.
— News5 (@News5PH) September 2, 2022
Dagdag pa niya, “Agad pong inaksyunan ng punuan ang isyu matapos mapag-alamang mali ang naging ulat. Muli, humihingi kami ng paumanhin at sisikaping hindi na maulit ang nasabing pagkakamali.”
Nilinaw rin nila na hindi nagmula sa kanilang showbiz correspondent na si MJ Marfori ang balita sa diumano’y iringan nina Vice at Marian.
“Hindi rin ito report ng aming correspondent na si MJ Marfori. Base sa aming imbestigasyon, hindi nanggaling sa kanya ang anumang detalye na lumabas sa maling report,” pahayag ng News5 sa kanilang official Twitter account.
Matatandaang tila naimbyerna si Vice sa naging tweet ni MJ patungkol sa isyu dahil sa paggamit nito ng laughing emoji dahil wala namang joke sa sinabi niya para makatanggap ng laughing emoji.
Agad namang nag-sorry si MJ sa kabiyak ni Ion at sinabing na-caught off guard lamang daw siya sa dami ng mga netizens na nag-tag sa kanya sa tweet nito.
“apologize. I was just surprised and caught off guard that I was tagged in the story. I didn’t mean to offend,” hinging tawad ni MJ kay Vice.
Related Chika:
Vice Ganda pumalag sa chikang nagka-issue sila ni Marian Rivera: Super yuck!
Vice Ganda binawasan ang talent fee sa ‘It’s Showtime’: Yun ang pinakamalaking sakripisyo niya!
Resbak ni Vice Ganda sa mga tsismosa: Hiwalay na raw kami ni Ion?! ‘Tong mga damonyong ‘to!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.