Vice Ganda pumalag sa chikang nagka-issue sila ni Marian Rivera: Super yuck! | Bandera

Vice Ganda pumalag sa chikang nagka-issue sila ni Marian Rivera: Super yuck!

Therese Arceo |September 02,2022
facebook
share this

Vice Ganda pumalag sa chikang nagka-issue sila ni Marian Rivera: Super yuck!

Therese Arceo - September 02, 2022 - 11:17 AM

Vice Ganda pumalag sa chikang nagka-issue sila ni Marian Rivera: Super yuck!
HINDI nagustuhan ni Unkabogable at Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda ang kumakalat na chika patungkol sa kanila ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Isang balita kasi ang ipinalabas sa “Frontline Sa Umaga” kung saan sinasabing natuldukan na raw ang isyung iringan sa pagitan nila ng asawa ni Dingdong Dantes, isa sa mga naging leading man niya sa pelikulang “Fantastica”.

Matatandaang nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 31 nang maganap ang Preview Ball kung saan parehas na dumalo sina Vice Ganda at Marian.

Kitang-kita ang happiness sa mata ng Unkaboggable Star nang makita ang Kapuso star at talagang nag-ala fan girl siya nang masilayan ang ganda nito kaya takang-taka siya sa balitang may issue raw sa pagitan nila.

Ibinahagi ni Vice sa kanyang Twitter account ang kanyang saloobin ukol sa kumakalat na balita kalakip ng video na posted mismo ng official Twitter handle ng News5.

Ayon kasi sa na-report na balita ay nagkaroon daw sila ng iringan noon matapos niyang punahin ang grammar ni Marian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Tila shocked na shocked ang “It’s Showtime” host dahil hindi siya aware na may ganito pa lang chika sa pagitan nilang dalawa ni Marian.

“Ha??????!!!!!!!!!!! San galing ang balitang to?????? Nagkaissue kami? Iringan??!!!!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!” saad ni Vice sa kanyang tweet.

Agad namang nag-react ang isa sa mga news anchor ng TV5 show na si Gretchen Ho sa kanyang tweet.

“Hi Vice, will investigate and send this to our producers,” reply nito.

Tila hindi naman maka-move on ang komedyante dahil nag-tweet itong muli.

“Super kadiri yung mga balitang mema! Eeeooooowwwwww!!!! Clickbait???!!!! Fake news????!!!! TAE!” sey pa ni Vice.

Nag-react rin ang TV host-writer na si Mj Marfori at pinabulaanan na istorya niya ang umere sa TV 5.

“Also, hindi ko story ito. @vicegandako,” tweet ni MJ na may kasama pang laughing emoji sa dulo.

Agad namang pumalag si Vice sa tweet niya at tinalakan ito.

Banat ni Meme, “Also, hindi ko trip ang emoji mo! May nagjoke po ba?”

Agad namang nag-sorry si MJ kay Vice at sinabing na-caught off guard lang siya sa nangyari.

“I apologize. I was just surprised and caught off guard that I was tagged in the story. I didn’t mean to offend,” hinging paumanhin niya.

Ni-retweet lamang ito ni Vice at sinagot ng maraming emoji kagaya ng naunang ginamit ni MJ sa kanyang pahayag.

Sa ngayon at deleted na ang naturang tweet ng TV5.

Related Chika:
Vice Ganda nag-ala fan girl kay Marian Rivera: Parang ang bango bango ng kili-kili!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice: Mga taong sa panahon ngayon paninirang-puri at fake news pa rin ang trabaho! YUUUCCCKKK!

Ogie Diaz nilinaw na hindi LizQuen ang pinatatamaan sa mga tweets: Easy lang kayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending