Vice Ganda nag-ala fan girl kay Marian Rivera: Parang ang bango bango ng kili-kili! | Bandera

Vice Ganda nag-ala fan girl kay Marian Rivera: Parang ang bango bango ng kili-kili!

Therese Arceo |September 02,2022
facebook
share this

Vice Ganda nag-ala fan girl kay Marian Rivera: Parang ang bango bango ng kili-kili!

Therese Arceo - September 02, 2022 - 10:58 AM

Vice Ganda nag-ala fan girl kay Marian Rivera: Parang ang bango bango ng kili-kili!

KILIG na kilig ang Unkabogable Star na si Vice Ganda nang makita niya ang Kapuso Primetime Queen noong Miyerkules ng gabi, Agosto 31.

Nagkita ang dalawa dahil parehas silang dumalo sa Preview Ball event kung saan parehas silang nakatanggap ng parangal.

Wagi bilang isa sa mga “Most Influential” awardee si Vice habang si Marian naman ay isa sa mga “Life-Peg” awardee.

Sa isang video clip na kuha ng Pep.ph ay makikitang masayang nagtsi-chikahan sina Vice Ganda at Marian.

Tila nag-ala fan girl pa nga ang “It’s Showtime” host at pinuri-puri ang asawa ni Dingdong Dantes.

“Kanina pinag-uusapan namin, Most Beautiful Celebrity, para sa aming lahat, ang sinabi ko si Marian Rivera!” sey ni Vice.

Niyakap naman ng Kapuso actress ang Kapamilya TV host-comedian bilang pasasalamat sa pg-appreciate nito sa kanya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

 

Pagpapatuloy pa ni Vice,”Di ba ang sabi ko kanina? The most beautiful for me, si Marian Rivera! Parang ang bango-bango ng kilikili lagi.”

Nagkaroon pa sila ng pag-uusap na hindi na masyadong rinig sa video dahil sa lakas ng sounds sa naturang event.

Maya-maya ay nagpa-picture si Vice sa asawa ni Dingdong.

“Pwede na ako umuwi! I love you forever!” sey pa niya matapos nilang mag-take ng mga larawan.

Maging ang mga netizens ay super happy sa pagkikita nina Vice at Marian.

Marami rin ang mga nag-agree kay Meme sa pahayag nitong si Marian ang pinakamagandang celebrity.

“Si Marian, maganda na talaga kahit noong una pa, walang retoke, pero mas lalong gumanda noong nagka-anak, yung saya niya bilang ina at asawa kita mo sa glow niya na panlabas,” comment ng netizen.

Sey naman ng isa, “Both beautiful Marian and Vice Ganda! Sana gawa kayo ng movie.”

Other Chika:
Madam Inutz kilig na kilig kay Piolo: Grabe ang guwapo, sobrang bait at ang bango!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janine kilig na kilig sa hugot ni Regine; Lotlot may ‘psychic power’

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending