Zia Dantes binigyan ng parangal sa 37th Aliw Awards

Zia Dantes binigyan ng parangal sa 37th Aliw Awards: ‘Never give up!’

Pauline del Rosario - December 20, 2024 - 09:32 AM

Zia Dantes binigyan ng parangal sa 37th Aliw Awards: 'Never give up!'

PHOTO: Instagram/@marianrivera

BATANG-BATA pa ang panganay nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, pero kitang-kita na ang kanyang pinagmanahan.

Kamakailan lang, nakatanggap ng parangal si Zia Dantes sa naganap na 37th Aliw Awards noong December 18.

Kinilala siyang “Aliw Breakthrough Child Performer of the Year” dahil sa naging performance niya sa “Be the Guest” concert na kung saan ang itinanghal niya ay ang sariling rendition ng “Rise Up” by Andra Day.

Siyempre, proud na proud ang celebrity couple sa bagong milestone ng kanilang anak kaya masaya itong ibinandera ni Dingdong sa kanyang Instagram Story.

Makikita na umakyat ng stage si Zia upang tanggapin ang kanyang tropeyo.

Baka Bet Mo: Zia Dantes marunong nang maglaba ng underwear; Marian feeling back to zero sa pagbabalik-teleserye

Sa kanyang speech, lubos niyang pinasalamatan ang kanyang voice instructor, pati na rin ang kanyang mga magulang.

“Good evening, everyone. Thank you for giving me the opportunity to speak to all of you. And thank you for the Aliw Award, especially thank you to teacher Jade for always telling me never to give up and always achieve my dreams,” sey niya.

Aniya pa, “And for mama, for always loving me and for always guiding me every step of the way. My family always loves me and always cares for me. Thank you everyone and good night.”

Bukod kay Zia, ang ilan pang celebrities na nabigyan ng award ay sina Julie Anne San Jose na itinanghal na “Entertainer of the Year,” at si Stell ng SB19 na nagwagi ng “Best Collaboration in a Major Concert” dahil sa “Julie X Stell” concert.

Nag-uwi rin ng award si Lea Salonga bilang “Best Female Artist in a Major Concert” dahil sa “Stage, Screen, and Everything in Between,” si Martin Nievera as “Best Male Artist in a Major Concert” dahil sa “The King 4Ever,” at si Andrew E. ang binansagang “Best Rapper of the Year.”

Ang naging “Best Lead Actress in a Musical” naman ay si Karylle dahil sa mahusay niyang pagbida sa play na “Little Shop of Horrors.”

Ang celebrity couple naman na sina Shamaine at Nonie Buencamino ang hinirang na “Best Featured Actress in a Play” at “Best Lead Actor in a Play,” respectively.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa kaalaman ng marami, ang Aliw Awards ay nag-umpisa noon pang 1977 upang bigyang-pugay every year ang ilang indibidwal at productions sa local entertainment industry.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending