Ogie Diaz nilinaw na hindi LizQuen ang pinatatamaan sa mga tweets: Easy lang kayo | Bandera

Ogie Diaz nilinaw na hindi LizQuen ang pinatatamaan sa mga tweets: Easy lang kayo

Therese Arceo |June 08,2022
facebook
share this

Ogie Diaz nilinaw na hindi LizQuen ang pinatatamaan sa mga tweets: Easy lang kayo

Therese Arceo - June 08, 2022 - 11:42 AM

Ogie Diaz nilinaw na hindi LizQuen ang pinatatamaan sa mga tweets: Easy lang kayo

NAGING laman ng usap-usapan ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz dahil sa mga tila pasaring nitong tweets noong mga nakaraang araw.

Marami sa mga netizens ang curious kung sino nga ba ang pinapatamaan niya at amg iba pa nga ay sinasabing ang dating alaga raw nitong si Liza Soberano ang taong tinutukoy sa mga tweets.

Kaya naman bago pa lumala ang sitwasyon at kung ano ano pang espekulasyon ang lumabas, agad nang nilinaw ni Ogie ang mga haka-haka ng netizens.

Sa kanyang tweet nitong June 6 ay pinabulaanan niya ang pagkakasangkot ng dating alaga at ng boyfriend nitong si Enrique Gil sa kanyang mga posts.

“Easy lang kayo. Wala pong kinalamansa posts ko ang LizQuen. Meron lang po [akong] pinagtatakhan sa isang kandidato,” tweet ni Ogie.

 

 

Ito ay may kinalaman sa paglabas ng isang blind item tungkol sa isang real and reel life partners na diumano’y hiwalay na raw.

Kasabay kasi ng paglabas ng tweet ng viral blond item ng isang entertainment site ay ang naging tweet ni Ogie na “Kahit nga ako, nalokah din, eh”.

Agad kasing nag-assume ang mga netizens at ikinonekta ito sa viral blind item na agad namang pinabulaanan ng talent manager at sinabi ngang isang kandidato sa politika ang kanyang tinutukoy.

Samantala, inamin na rin ni Ogie na matapos ang matagal na pananatili ni Liza sa kanyang poder bilang talent ay nagdesisyon na itong huwag mag-renew ng kontrata.

Ayon sa kanyang “Showbiz Update” vlog ay sinabi niyang nais ni Liza na subukan ang kanyang swerte sa ibang bansa kaya naman maluwag sa loob niyang tinanggap ang desisyon nito.

Pero may mga netizens pa rin ang pilit na nagbibigay ng hindi magandang komento at para bang nais pang sirain ang magandang samahan sa pagitan nina Ogie at Liza.

Sa ngayon ay ang singer-actor na si James Reid na ang manager ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ogie Diaz out na bilang manager ni Liza, walang sama ng loob: ‘Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki

Vice: Mga taong sa panahon ngayon paninirang-puri at fake news pa rin ang trabaho! YUUUCCCKKK!

Malilisyosong post ni Andrea sa socmed peke, talent manager nagbanta sa poser at nagse-share

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending