Vice Ganda binawasan ang talent fee sa 'It's Showtime': Yun ang pinakamalaking sakripisyo niya! Bandera

Vice Ganda binawasan ang talent fee sa ‘It’s Showtime’: Yun ang pinakamalaking sakripisyo niya!

Alex Brosas |August 03,2022
share this

Vice Ganda binawasan ang talent fee sa ‘It’s Showtime’: Yun ang pinakamalaking sakripisyo niya!

Alex Brosas - August 03, 2022 - 08:13 AM

Ion Perez at Vice Ganda

MATINDING sakripisyo pala ang ginawa ni Vice Ganda out of his pagmamahal sa “It’s Showtime” at sa lahat ng kasamahan at katrabaho niya rito.

Sa isang Facebook account ay ito ang nakasaad: “Ibinunyag ng It’s Showtime host na si Vice Ganda noong Linggo, July 24 na kailangan niyang tulungan ang ABS-CBN na bumuo ng mas malaki at mas magandang studio para sa Kapamilya noontime show.

“Ang bagong set para sa palabas ay ipinakita sa kanilang programa noong Lunes.”

“Pinakamalaking sakripisyo ang ginawa ni Vice Ganda, binawasan ang kanyang talent fee para tulungan ang It’s Showtime na bumuo ng mas malaking studio,” dagdag pa sa post.

With that, ang daming humanga sa ginawang pagmamagandang-loob  ni Vice Ganda para sa kanilang noontime show.

“Ok lng yun. Mas malaki blessing matatanggap nya sa abs at lalong dadami at sasaya ang manonood sa kanila congrats sa pakikipagtulongan. Vice we love u all. More power. God bless.”

“Kaya favorite kita Vice. kahit Minsan d q type lumalabas sa mouth mo kc SENIOR NA ME. But still love q kau ni Ion. Tuloy lng lhat ng good attitude mo, pagtulong sa kapwa at sa ABS CBN para pagpalain ka pa lalo ni Lord God.

“Love you ViceIon. More power and God bless u all mga Kaoamilya!”

“Ang bait talaga ni meme Vice hindi niya pinabayaan ang ABS-CBN may mabubuting puso talaga si Vice sana ipagpatuloy nyang tumulong sa kapwa dahil hindi siya pababayaan ng panginoon tutulongan din siya we love u Vice.”


“Proud of you Meme Vice ingit lang yan ang mga nanira sa iyo kasi wala cla na ang meron ka Love Showtime is the best.”

Actually, marami naman talagang natutulungan si Vice pero hindi na lang niya ito ibinabandera sa publiko. But there are times na mismong mga tao nang tinutulungan niya ang nagsasapubliko nito.

Daniel ibinuking ang matinding crush noon ni Joshua sa isang young actress na mommy na ngayon

Ruru jackpot sa career at lovelife, puring-puri ni Rhea Tan: Napakasarap niyang katrabaho!

Ruru jackpot sa career at lovelife, puring-puri ni Rhea Tan: Napakasarap niyang katrabaho!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending