Resbak ni Vice Ganda sa mga tsismosa: Hiwalay na raw kami ni Ion?! 'Tong mga damonyong ‘to! | Bandera

Resbak ni Vice Ganda sa mga tsismosa: Hiwalay na raw kami ni Ion?! ‘Tong mga damonyong ‘to!

Ervin Santiago - August 18, 2022 - 08:49 AM

Vice Ganda at ion Perez

ISANG linggo nang “magkahiwalay” ang mag-asawang Vice Ganda at Ion Perez pero pinabulaanan niyang nag-break na sila at nagkanya-kanya na sila ng landas.

May mga naglabasang balita na malungkot ngayon ang komedyante dahil meron umanong pinagdaraanan sa personal niyang buhay at usap-usapang may konek daw ito sa relasyon nila ni Ion.

Kaya naman sa nakaraang episode ng “It’s Showtime”, nagsalita na si Vice tungkol sa isyung hiwalay na sila ni Ion. Tinawag pa niyang mga “tsismosa” ang nagpapakalat ng mga tsismis about them.

View this post on Instagram

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Pero ang feeling ng netizens, si Nanay Cristy Fermin ang pinatatamaan ni Vice dahil tinalakay nga kamakailan sa online show nitong “Showbiz Now Na!” ang relasyon ng celebrity couple.

Ayon sa kuwento, napapadalas na naman daw ang pagtambay ni Vice sa mga bar at kapag ganito raw ang drama ng komedyante, malungkot at posibleng may pinagdaraanan ang TV host.

May nabanggit pa si Nanay Cristy tungkol sa social media post ni Vice kung saan sinabi umano nito ang mga salitang “very difficult” at “really exhausting” ang past months sa buhay niya.

Kahapon, sa live episode ng “It’s Showtime”, naging super sweet si Vice kay Ion at sinabing six days nga raw silang hindi nagkasama ni Ion dahil magkahiwalay silang nagbakasyon. Nagpunta sa Bohol si Vice habang nasa Japan naman si Ion.

Inamin ni Vice na umiiyak daw siya sa gabi dahil miss na miss na niya ang kanyang partner, “Magmula kasi nu’ng pandemic, di ba, nagsama kami sa bahay. Tapos hindi na kami ganoon nagkaroon ng time na maghiwalay nang matagal.”

Dagdag pang pahayag ng komedyante, “Nagpunta siya ng Japan kasama niya yung pamilya niya. Nagpunta ako ng Bohol kasama ko ang pamilya ko. So, bala-balanse, time with our families.”

“Masaya kami, huwag kayong gumagawa ng… mga tsismosa kayo! Hiwalay na daw kami ni Ion. ‘Tong mga damonyong ‘to. Hoy, mga damonyo!” hirit pa niya.

“Pero masaya kami rito. Masaya kaming pamilya, masaya kaming magdyo-jowa, kaya ‘wag kayong anong mga damonyo kayo… ‘wag ganu’n,” chika pa ng Kapamilya host.

Kamakailan, nag-viral ang isang TikTok video ni Ion kung saan nagpasaring siya sa isang taong naninira umano sa kanya. Ang hula na mga nakapanood, si Nanay Cristy Fermin ang kanyang inookray.

“Grabe naman yun, o! Halos wala ka na ngang boses wala pa rin lumalabas na matino at maganda sa bibig mo. Uy, 2022 na, iilan na lang yung araw sa mundo,” ani Ion.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/316214/pag-iibigan-nina-vice-ganda-ion-perez-paano-nga-ba-nagsimula
https://bandera.inquirer.net/305810/vice-inilihim-ang-proposal-ni-ion-sobra-akong-natakot-na-babuyin-lang-ng-tao-itong-bagay-na-napakaganda-sa-akin
https://bandera.inquirer.net/316810/ion-perez-namigay-ng-ayuda-sa-mga-kababayan-sa-tarlac-may-pa-bigas-na-may-pa-lugaw-at-libreng-gupit-pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending