Angeline ikinasal na kay Nonrev; Vice Man of Honor, Flower Girl si Sarah
IKINASAL na ang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto sa kanyang partner na si Nonrev Daquina sa Quiapo Church ngayong araw, April 25.
Dinaluhan ito ng mga kapamilya, kamag-anak at malalapit na kaibigan nina Angeline at Nonrev mula sa loob at labas ng showbiz.
Kasamang lumakad ni Angeline patungong altar ang anak nila ni Nonrev na si Sylvio.
Mga kilalang celebrities at personalidad din ang mga tumayong principal sponsors sa naganap na Daquina-Quinto Nuptial sa Quiapo Church.
Baka Bet Mo: Angeline nag-react sa chikang siya ang bumubuhay sa fiancé at anak; hindi ililihim ang detalye ng kasal
Ilan sa mga naging ninong at ninang ng bagong kasal ay sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Boy Abunda, Charo Santos-Concio, Vicki Belo, Manila Mayor Honey Lacuna at ang mga bossing ng ABS-CBN na sina Lauren Dyogi at Cory Vidanes.
View this post on Instagram
Nagsilbi namang Man of Honor ang kaibigan ni Angeline na si Vice Ganda. Si Sarah Geronimo ang naging Flower Girl habang si Erik Santos naman ang Ring Bearer.
Sa isang panayam, sinabi ni Angeline na sa Quiapo nila napiling magpakasal ni Nonrev dahil maging malaking bahagi ito ng kanilang buhay kahit noong mga dalaga at binata pa sila.
Alam naman ng lahat na deboto ng Itim na Nazareno ng Quiapo Church si Angeline at dream come true para sa kanya ang makipagpalitan ng “I Do” sa kanyang Mr. Right.
Baka Bet Mo: Angeline Quinto engaged na kay Nonrev Daquina: It’s time to write a different story…
“Siyempre lahat naman ng katulad ko pangarap na ikasal. Ang pinaka-dream wedding ko sa church. So hopefully kung magkakaroon ng pagkakataon next year sana.
View this post on Instagram
“Pinag-uusapan namin ng partner ko. Sa ngayon kasi priority namin si Sylvio. Siguro ‘yung pangarap ko din na ‘di ko pa natutupad ‘yung maisama ko sila sa lahat ng mga bansang mapuntahan ko kagaya ni Mama Bob.Sobrang blessing na bago nawala ang mama, naisama ko siya,” sey ni Angeline są nasabing panayam.
Dagdag pa niya, “Siyempre sa Quiapo (gustong ikasal). Kasi marami talaga akong kaibigang pari doon unang-una. At sila nagtatanong na rin after ng binyag ni Sylvio kung kailan ako ikakasal.
“Kasi gusto nila ako tulungan, at saka pareho din kami ni Nonrev na deboto ng Nazareno,” sey pa ng singer.
Base sa ulat, magaganap naman sa Manila Hotel ang wedding reception nina Angeline at Nonrev.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.