'Alapaap' nina Josef Elizalde, Angela Morena at Kat Dovey 'disturbing'; madugo, bayolente ang mga sex scenes | Bandera

‘Alapaap’ nina Josef Elizalde, Angela Morena at Kat Dovey ‘disturbing’; madugo, bayolente ang mga sex scenes

Ervin Santiago - November 18, 2022 - 09:32 AM

'Alapaap' nina Josef Elizalde, Angela Morena at Kat Dovey 'disturbing'; madugo, bayolente ang mga sex scenes

Josef Elizalde, Kat Dovey, Ali Asistio at Angela Morena

GRABE! As in grabe talaga ang latest Vivamax offering na “Alapaap” na pinagbibidahan nina Josef Elizalde, Angela Morena at Katrina Dovey.

“Disturbing” ang pelikula at unpredictable ang takbo ng kuwento — promise, nagulat kami sa tema nito at sa mga pasabog na sex scenes (lalo na ang orgy) na first time namin napanood sa isang Pinoy movie.

Inamin naman ng direktor ng “Alapaap” na si Friedrick Cortez na talagang isa sa mga objective nila ay ang guluhin at pagurin ang manonood kaya sa isang eksena ay ang dami-daming nangyayari.

Napanood na namin ang “Alapaap” at in fairness, nagtagumpay naman sila du’n dahil siguradong pagkatapos n’yong mapanood ang pelikula ay parang naging bahagi rin kayo ng adventure ng mga karakter sa “Alapaap.”

Iikot ang kuwento ng movie sa isang grupo ng kabataan na sabay-sabay magpapakalulong sa ilegal na droga.

Sina Josef, Katrina, Ali Asistio, Andrea Garcia, Cheska Paredes, at Luke Selby ay gumaganap bilang magkakaibigan na makararanas ng mga halusinasyon dahil sa droga.

Kung hindi na nila matukoy kung ano ang totoo sa hindi, paano kaya sila magigising sa ganitong sitwasyon?  Ano nga ba ang nagtulak sa kanila na gumamit ng masamang gamot?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Josef Elizalde (@josefelizalde)


Si Josef ay si Erik Bengzon, isang filmmaking student. Gustung-gusto na nitong matapos sa kanyang thesis at makapagtapos sa kolehiyo. Parehong doktor ang kanyang mga magulang at hindi sila masaya sa napili niyang kurso.  Ito ang dahilan ng kanilang mga pagtatalo.

Si Katrina Dovey ay si Antonette Mercado, nag-iisang anak ng dating congressman at isang socialite.  Sa murang edad, nasaksihan niya ang pagpapakamatay ng kanyang ama.  Dala niya ang trauma na ito, ngunit hindi niya maasahan ang kanyang ina na damayan siya.  Mismong ang kanyang ina ay nahirapang malampasan ang ganito trahedya.

Si Ali Asistio ay si Paul Plana, spoiled brat na anak ng isang high-ranking police officer. Tumutulong siya sa thesis ni Erik. Drug user na, supplier pa siya ng drugs sa kanyang mga kaibigan.

Si Luke Selby ay si Adolf Fuller, pinsan ni Paul mula sa America na nagbabakasyon lamang dito.  Sumusunod lang siya sa grupo, kahit sa paggamit ng droga.  Tinatago niya ang pagiging bading.  May gusto siya kay Erik.

Si Andrea Garcia ay si Cathy Delgado, ang girlfriend ni Paul na bisexual.  Mayroon siyang ka-affair na tomboy.  Hiwalay ang kanyang mga magulang.

Si Chesca Paredes ay si Joyce Amores, ang secret lover ni Cathy.  Batang naulila at laking-lola na sagrado katoliko.

Mahalaga naman ang gagampanan ni Angela Morena bilang isang babaeng miyembro ng tribo na subject ng short film ni Erik.

Sa kanilang pagpunta sa probinsiya kung saan may tribo at babaylan, tuloy pa rin ang paggamit nila ng masamang gamot. At kasunod nga nito ay ang madugo at nakakalokang eksena na kahahantungan nila.

Samantala, sa ginanap na presscon after ng private screening ng pelikula, natanong si Josef kung okay lang sa kanya na gumanap ng supporting roles kahit ilang beses na siyang nagbida.

“For me, kahit nagli-lead ka na, okay lang to accept supporting roles kasi, no matter what you say, work is work and the important thing is you’re busy and not idle.

“Also I enjoy working continuously, kasi you learn a lot from the directors and co-actors you work with, kahit lead or supporting man ang role mo.

“Besides, I also believe in the saying that there are no small roles, only small actors. The fact that Viva continues to give me lots of assignment means they are pleased with the work that I do for them,” sabi pa ng dating “PBB Teens” housemate.

Ang “Alapaap” ay directorial debut naman ni Friedrick Cortez with Brillante Mendoza as creative producer.

“Ever since, I’ve always wanted to be in the film industry. I tried acting but it didn’t work out. I met Direk Brillante in 2015 and I joined his team.

“He became my mentor in filmmaking. He trained me in production design, cinematography and directing.

“Now, he trusted me well enough to execute this project, ‘Alapaap’ as its director, so i’m really very grateful to him for giving this me break. This is my first film to direct, so I’m very excited,” pahayag ng direktor.

Naikuwento naman ni Direk Brillante na ang “Alapaap” ay pa-tribute niya sa 1984 movie ni Tata Esteban na may titulo ring  “Alapaap” na pinagbidahan nina William Martinez, Michael de Mesa, Mark Gil at Tanya Gomez.

Siyanga pala, may pasabog ding eksena ang British actor na si Luke Selby sa movie na walang takot na nagpakita ng kanyang pagkalalaki sa big screen.

Mapapanood na sa Vivamax simula ngayon ara, November 18 ang “Alapaap.”

Payo ni Josef Elizalde sa mga nangnenega sa ‘Purificacion’: Panoorin n’yo po muna bago n’yo husgahan

Josef Elizalde may isinakripisyo sa pagganap na pari, pinuri ang mga leading lady sa ‘Purificacion’: Lahat sila nakakaelya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending