James, Nadine muntik nang magkita, fans nag-react: Sana sila rin sa huli | Bandera

James, Nadine muntik nang magkita, fans nag-react: Sana sila rin sa huli

Alex Brosas |December 03,2021
facebook
share this

James, Nadine muntik nang magkita, fans nag-react: Sana sila rin sa huli

Alex Brosas - December 03, 2021 - 11:41 AM

James, Nadine muntik nang magkita, fans nag-react: Sana sila rin sa huli

MUNTIK na raw magkita ang dating magdyowang sina James Reid at Nadine Lustre.

Spotted ng isang netizen ang ex-lovers sa magkaibang oras habang namimili sa isang store na malapit sa MOA.

While James was shopping with some friends, ang kanyang pamilya at ang sinasabing dyowang si Christophe Bariou ang kasama naman daw ni Nadine.

Sa post ng isang alwaysjdn ay ito ang nakasulat, “I love you both. James Reid and Nadine Lustre spotted at IKEA today. PS. Separately.”

Nag-react ang Jadine fans sa paglabas ng chikang muntik magkita ang ex-couple.

“Nakaka Sakit na bat ba kasi Ganun .sana sila rin sa Huli.”

“Awts, naka move on nako ilang break up naaa.”

“Ito nanaman tayo sa kirot at pighati bilang isang fan.”

“Bakit di ko napansin si James Reid sana pala siya nalang nakita ko baka nakapagpapicture pa ako sa kanya.”

“Magkakabalikan din ang mga yan.. believe me not now but soon…hanggat wala pa silang pinapakasalan iba. Im sure they cont back each other.”

Ilan lamang ito sa mga comments ng mga netizens.

Napapadalas ang sighting kina Nadine at sa rumored boyfriend nito. Last month, nakita ang dalawa na magka-holding hands while shopping. They were also sighted sa isang resort na magkasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)

* * *

Magkakalamat na kaya ang relasyon nina Kakay (Dimples Romana) at Dan (Miko Raval)?

Sa hindi inaasahang panahon, nakita nga ni Dan ang asawang kausap si Mayor Troy Ramones sa hit seryeng “Viral Scandal” nitong Miyerkules (Dis. 1).

Ngunit hindi alam ni Dan na nakipagkita lang ang asawa para kumprontahin ang mayor matapos malaman ni Kakay ang koneksyon ni Atty. Laura Dizon (Ria Atayde) kay Troy. Napagtanto nga niya na galing kay Troy ang abogado matapos mabuksan ni Laura (Ria) ang usapan tungkol sa nangyari sa kanya noong 17 taong gulang siya.

Sigurado siya na tanging si Troy lamang ang may alam sa sikretong iyon.Dahil sa mga nalaman, desidido na siya na hindi na kunin si Laura at humanap ng iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabilang banda, unti-unti nang nakilala ng manonood ang karakter ni Kyle (Joshua Garcia). Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa kanyang isipan si Rica at patuloy pa rin siyang nagbabakasakaling makita ito. Mas magiging posible naman ito lalo pa at magbubukas siya ng kanyang business sa Sidero na Balai Arkitektura.

Kokomprontahin kaya ni Dan ang asawa sa nakita? Hindi na kaya magbago ang desisyon ni Kakay at tuluyan ng palitan si Atty. Dizon?
Patuloy naman ang pagpuri ng netizens sa “Viral Scandal” at sa galing ng pag-arte ng cast members. Araw-araw ngang trending topic ang hashtags ng episode.

Related Chika:
Nadine sa paghihiwalay nila ni James: I’m allowing myself time to heal…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending