Jerry Yan sasabak sa bagong romantic series

Jerry Yan sasabak sa bagong romantic series; US-based na Pinoy Math teacher mabenta sa ‘Rampanalo’ ng Showtime

Reggee Bonoan |June 16,2023
facebook
share this

Jerry Yan sasabak sa bagong romantic series; US-based na Pinoy Math teacher mabenta sa ‘Rampanalo’ ng Showtime

Reggee Bonoan - June 16, 2023 - 12:20 PM

Jerry Yan sasabak sa bagong romantic series; US-based na Pinoy Math teacher mabenta sa 'It's Showtime'

Jerry Yan, Peter Esperanza

GOOD news, para sa mga Pinoy fans na nakaka-miss sa Asia’s Original Heartthrob na si Jerry Yan na tumatak sa Taiwan series na “Meteor Garden.”

May bago siyang romantic series na pinamagatang “The Forbidden Flower.”

Makakasama niya riyan ang Asian Superstar na si Xu Ruo Han at ito ay mapapanood sa iWantTFC, na may two episodes weekly.

Iikot ang serye sa kwento ng pag-ibig, pag-asa at self-healing nina Xiao Han (Jerry Yan) at He Ran (Xu Ruo Han) matapos ang kanilang hindi inaasahang pagkikita.

Si He Ran (Xu Ruo Han) ay isang free-spirited at talented na art teacher na naghahanap ng saya at pag-ibig sa buhay habang si Xiao Han (Jerry Yan) naman ay isang mahusay na horticulturist ngunit malihim at hindi mahilig makipag-usap sa ibang tao.

Baka Bet Mo: Jerry Yan, Vaness Wu ng ‘Meteor Garden’ muling nagsama sa isang variety show

Dahil sa malubhang kondisyon ni He Ran at tinatagong nakaraan ni Xiao Han (Jerry Yan), maipagpapatuloy kaya nila ang namumuong relasyon?

Paano malalagpasan nina Xiao Han at He Ran ang mga problemang hinaharap?

* * *

Trending sa segment ng “It’s Showtime” na ‘Rampanalo’ ang isang US-based Filipino Math teacher at YouTuber dahil sa epektibo nitong pagtuturo ng mathematics sa madlang people.

Ayon sa reaction video ni Peter Esperanza sa kanyang Twitter account (@pedroj0se) nitong Sabado, Hunyo 10, “Vice Ganda and Anne Curtis on the importance of accessibility in Philippine education at kung paano ang ‘Rampanalo ng @itsShowtimeNaay nagtuturo kung paano mag add, subtract, divide, at multiply ng integers.”

Sa ngayon, umani na ng halos dalawang milyong views ang kanyang post.

Patunay raw ang ‘Rampanalo’ na hindi lang saya ang nabibigay ng “It’s Showtime” kundi kaalaman din sa manonood.

“Salamat sa @itsShowtimeNa sa pagbibigay ng masaya at makabuluhang programa  para sa lahat. Pati math anxiety ng mga kabataan ay nababawasan nila @vicegandako at @annecurtissmith  sa pagRAMPA ng It’s Showtime Family,” sabi niya.

Umani rin ng papuri mula sa iba’t ibang netizens ang “Its Showtime” dahil sa patuloy nitong paghahatid ng programang akma sa manonood at pakikinig din sa kanilang mga suhestiyon na ikakabuti ng palabas.

Labis naman na nagpasalamat ang hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis sa sinabi ni Peter at ng madlang people. Misyon nga nilang ipagpatuloy ang pagbibigay ng sigla, saya, at aral sa madlang people.

“Maraming salamat po! Para sa ating mga minamahal at nagmamahal sa aming Madlang People!  We continue to chugug for a GVful and an unkabogably brighter chumorrow!,” saad ng phenomenal unkabogable star.

“Awwww why the whole @itsShowtimeNa team (lalo na si sisterette and those behind the camera) stay inspired! Thank you!,” reaksyon ni Anne.

Nakilala si Peter Esperanza bilang si Numberbender sa YouTube. Sa ngayon, meron na siyang higit sa 300,000 subscribers.

Kinilala rin siya noong 2015 bilang isa sa Apple Distinguished Educator ng Apple Distinguished Educator (ADE) Program at Filipino-American Community Hero Awardee sa parehas na taon dahil sa kanyang ginagawang math videos na nakakatulong sa mga kabataan.

Related Chika:

Jerry Sineneng lumipat na rin sa GMA; mga direktor ng GMA maraming pasabog sa 2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ina ni Lee Ji Han may ‘nakakawasak’ na sulat para sa anak na namatay sa Itaewon Halloween party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending