Madam Inutz umabot sa mahigit P32k ang bill sa kuryente: ‘Wala talaga akong karapatang magpahinga!’
RELATE much ang madlang pipol sa hugot ng sikat na online seller at dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemate na si Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na buhay.
Ipinost ni Madam Inutz sa kanyang Facebook post ang kanyang electric bill na kailangan niyang bayaran para sa buwan ng April.
Makikita sa Meralco bill ng komedyana na umabot sa P32,840.41 ang kailangan niyang i-settle na nakonsumo mula March 26 hanggang April 25.
View this post on Instagram
Ang caption na ibinigay ni Madam Inutz sa kanyang FB hugot, “WALA TALAGA AKONG KARAPATAN MAGPAHINGAAA! SA LAKI NG BILLS KO.”
Sabi pa ni Madam Inutz, wala pa riyan ang iyan ang gastos nila sa pagkain, kuryente, grocery, at iba pang mga bayarin.
Halos lahat naman ng FB followers ni Madam Inutz ay nagsabing nakaka-relate sila sa kanyang hugot pagdating sa mga bayarin sa kanilang mga pangangailangan.
Baka Bet Mo: Richard Yap umabot sa P500k ang hospital bill dahil sa COVID; ilang beses binangungot sa kwarto
“Grabe… ang laki nga! Try mo mag-solar panel madam if ever man nag-centralized aircon ka sa buong bahay mas laking tipid ng solar po hindi ideal pa sa income or net worth ng business n’yo po yung cost of living, invest po kayo muna kung saan makaka-less kasi sa dami n’yo po sa bahay lalaki talaga consumption n’yo po just saying maraming alternative ways po makaka-save ng energy sa kuryente po.”
View this post on Instagram
“2 aircon pag gabi naka-on -4,600 bill namin. Not bad. Buti na lang walang tao sa bahay sa araw dahil nakabantay sa tindahan.”
“Mag-solar power ka na madam mas maganda!”
“Mas maganda parin ung simpleng pamumuhay.. Kaysa ung mayaman ka pero mas marami ka nmn responsibilidad na bayarin.”
“Madam ibig sabihin n’yan malaki na kasi ang income n’yo kaya mataas na ang bill mataas na ang demands lahat ng bills.”
Nauna rito, sinagot naman ni Madam Inutz ang kumalat na fake news na patay na siya.
Paglilinaw niya, “SA MGA NAGBABALITANG PATAY NA KO TANG*NA NYO MAUUNA PA KAYO SAKIN! NAG USAP NA KAMI NI SAN PEDRO KAYO ANG FIRST LIST NYA.”
Madam Inutz muling pinaiyak ang ina; maraming isinakripisyong raket para sa ‘PBB 10’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.