SB19 pasok sa listahan ng Best Modern Boy Bands, tinawag na ‘trailblazers for new generation of Pinoy music’
PANIBAGONG parangal na naman ang natanggap kamakailan ng P-pop superstar boy group na SB19.
Nakapasok ang sikat na sikat na ngayong grupo sa listahan ng Best Modern Boy Bands ng YouTube channel na Ms. Mojo kasama ang ilang international acts.
Sa isang 20-minute vlog, tinawag ng Ms. Mojo ang SB19 bilang “trailblazers for Filipino music on the global stage”.
Talaga naman kasing nagmarka sa kasaysayan ng OPM ang pagkakabuo sa SB19, na binubuo nina Pablo, Josh, Justin, Ken, at Stell.
View this post on Instagram
Una silang nakilala at sumikat sa hit single nilang “Go Up” na ini-release noong 2019 and as they always say, the rest is history.
“While the Hallyu wave turned the attention to K-pop, this up and coming boy band is eager to represent P-pop a.k.a. Pinoy pop on the international scene,” ang sabi ng narrator sa Ms Mojo vlog.
Baka Bet Mo: Paalala ni Gerald sa mga lalaki: Be a good partner, be a good member of the family…alagaan mo ang mahal mo sa buhay
“The incredibly talented ensemble blends a wide variety of musical stylings and sensibilities to form a wholly unique sound.
“SB19’s ambitious choices have helped them become trailblazers for new generation of Pinoy music,” sabi pa sa naturang YouTube channel.
View this post on Instagram
Nabanggit din sa vlog ang superb performance ng SB19 sa Billboard charts at ang pagiging ambassadors nila para sa iba’t ibang advocacy.
“After going viral in 2019, their fame led to the band making music history by earning top Billboard music award nominations.
“To honor their impact, SB19 has been officially named youth ambassadors for representing the Philippines culture and stories around the world,” ang pahayag pa ng vlogger.
Kasunod ng parangal na ito ng grupo, kanya-kanyang post na ang mga A’TINs (tawag sa mga fans ng SB19) sa social media kaya naman mabilis nag-trending ang hashtag #SB19MsMOJOTop20BoyBandsnsssa Twitter Philippines.
Nanguna sa Best Modern Boy Bands ang K-pop boy group na BTS, former British-Irish boy band One Direction, at American siblings Jonas Brothers.
Nakasama rin sa list ang Korean groups na EXO, SHINee, Seventeen, SuperM, at BIGBANG pati na ang mga grupong Real Life. Justice Crew, JLS, The Wanted, New Hope Club, Big Time Rush, Why Don’t We, The Vamps, CNCO, PRETTYMUCH, at 5 Seconds of Summer.
SB19 bidang-bida sa Korean docu, Pinoy fans super proud: ‘Our national pride!’
KD Estrada, 5 Flex campaigners kanya-kanyang depensa sa isyu ng ‘modern masculinity’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.