Madam Inutz muling pinaiyak ang ina; maraming isinakripisyong raket para sa 'PBB 10' | Bandera

Madam Inutz muling pinaiyak ang ina; maraming isinakripisyong raket para sa ‘PBB 10’

Ervin Santiago |October 23,2021
facebook
share this

Madam Inutz muling pinaiyak ang ina; maraming isinakripisyong raket para sa ‘PBB 10’

Ervin Santiago - October 23, 2021 - 12:05 PM

Madam Inutz at Wilbert Tolentino

BONGGANG-BONGGA ang career ngayon ni Madam Inutz (o Daisy Lopez sa tunay na buhay), ang tinaguriang mama-bentang live seller ng Cavite.

Todo ang pag-aalaga sa kanya ngayon ng kanyang manager, ang former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media influencer, at philanthropist na si  Wilbert Tolentino. 

Bago siya pumasok sa “Pinoy Big Brother” bilang celebrity housemate ay ini-release muna ang kanyang debut novelty single na “Inutil” na hit na hit na ngayon.

Nag-record din siya ng  kanyang second single entitled “Sangkap ng Pasko” na isa namang ballad. In fairness, tumatagos sa puso ang mensahe ng kanyang Christmas song.

Marami ang makaka-relate sa song na tungkol sa isang mahirap na tao gaya ni Madam Inutz na naniniwalang ang isa sa sikreto para magkaroon ng masaya at makabuluhang Pasko ay pamilya. 

“Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy. Sobrang makaka-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay ang pagmamahal sa pamilya,” ang sabi ni Ka-feshness Wilbert.

Literal na umiyak ang ina ni Madam Inutz nang marinig ang “Sangkap ng Pasko” dahil dama niya ang hugot ng kanta, gayundin ang kalahagahan ng pamilya.

Lumabas na ang official music video ng Christmas song ng social media star sa YouTube  Channel na Daisy Lopez.


Samantala, walang tigil ang sorpresa ni  ka-freshness Wilbert sa kanyang alaga. Bago rin pumasok sa “PBB” si Madam Inutz  ay binigyan siya ng bahay at lupa  ng kanyang manager sa Bulacan kaya naman iyak siya nang iyak ito sa sobrang tuwa.

Mapapanood sa Wilbert Tolentino VLOGS ang buong detalye ng pagreregalo niya kay Madam Inutz, “Huwag ka nang umiyak. Deserved mo ‘yan, deserved mo ito,” sey ni Sir Wil.

Motivation gift ito para paghusayan pa ni Daisy ang  laban niya sa “Pinoy Big Brother” at habang nasa loob siya ng Bahay ni Kuya ay pagagandahin pa nina Wilbert ang kanyang bahay. 

Dalawang palapag ang property pero balak ni Sir Wil na dagdagan pa ito ng isa pang palapag para matirhan ng buong pamilya ni Madam Inutz. Puwede rin itong lagyan ng tindahan.

Hindi siya magarbo pero puwedeng daanan ng tao dahil nasa bungad ng subdivision. Sey pa ni Wilbert maraming isinakripisyo si Madam Inutz na endorsement dahil sa “PBB.”

“Puwede naman siyang kumita sa labas although pinili ko na ipasok siya sa PBB,” sambit ni Wilbert.
Maraming inilaan na pagbabago at  plano si  Kuya Wil na kaabang-abang para kay Madam Inutz at sa kanyang mga supporters.

Hindi  mapigilan ang paimbulog ng career ni Madam Inutz sa pamamahala ni Sir Wilbert.Maski ang mga netizen na humusga sa kanya bilang manager  ay naging masaya dahil napatunayan nito na may nagawa siya sa career ng kanyang talent. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, sini-secure na niya ngayon pa lang ang future ng pamilya ni Madam Inutz. Para sa inquiries at product endorsements, tumawag lang sa 09175INUTIL/09175468845.

Madam Inutz sinorpresa ng house and lot ni Wilbert Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending