2 Vivamax stars nagbenta ng undies kay Boss Toyo, inamuy-amoy

2 Vivamax stars nagbenta ng underwear kay Boss Toyo, inamuy-amoy pa!

Ervin Santiago - August 01, 2024 - 10:55 AM

2 Vivamax stars nagbenta ng underwear kay Boss Toyo, inamuy-amoy pa!

Robb Guinto at Angeli Khang sinugod si Boss Toyo

PERSONAL na nagpunta ang dalawang Vivamax stars na sina Angeli Khang at Robb Guinto sa shop ni Boss Toyo para magbenta ng kanilang lingerie at underwear.

Nakipagtawaran ang mga palabang sexy star kay Boss Toyo para mabili ang pag-aaring lingerie ni Angeli at ang bra at panty naman ni Robb.

Baka Bet Mo: Angeli, Robb may sex scene sa creek: Parang ice bucket challenge!

Napanood namin ang episode 391 ng “Pinoy Pawnstars” vlog ni Boss Toyo sa YouTube, kung saan nabanggit nina Angeli at Robb na ang ibinebenta nilang lingerie ay ginamit nila sa latest movie nilang “Unang Tikim” mula sa Vivamax.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


Unang inilabas ni Angeli ang kanyang black lingerie na hinawak-hawakan ni Boss Toyo para raw i-check saka inamuy-amoy. Ipinaamoy din niya ito sa isa nilang male staff kaya tawanan ang lahat ng nasa shop.

Kasunod nito, inilabas naman ni Robb ang kanyang bra sabay saying, “Actually, may isa pa akong ibebenta, lingerie rin siya kaso nga lang suot ko.” Tanong ni Boss Toyo, paano raw niya ito ibebenta kung suot niya.

Tugon ni Robb, “Ito, huhubarin ko! Ha-hahaha!” Hirit naman ni Boss Toyo, “Sige nga! Sige nga! Sige nga!”

Baka Bet Mo: Vivamax sexy star Robb Guinto palaban sa hubaran pero: ‘Sa kissing scene, no tongue at bawal hawakan ang boobs ko’

Hinubad nga ni Robb ang kanyang underwear (mula sa suot nitong sleeveless black dress) saka inabot kay Boss Toyo na napasigaw sa ginawa ng sexy actress. Ipinaamoy din niya ito sa lalaki nilang staff na parang nahiya rin sa ipinagawa sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BOSS TOYO (@_bosstoyo)


Ang unang asking price nina Angeli at Robb kay Boss Toyo ay P50,000 per piece pero hindi ito kinagat ng content creator. Aniya, pwede nilang bilhin ng P1,000 per piraso.

Ngunit sa huli, nagkasundo sila na ibenta lahat ng lingerie sa presyong P7,500. Humiling din si Boss Toyo ng litrato na suot nina Angeli at Robb ang mga naturang underwear para sa pagdi-display sa kanyang itinatayong museum.

Sa comment section ng YouTube vlog ni Boss Toyo nag-iwan ng mensahe si Robb, “BILHIN NYO NA FRESH PA YAN HAHAHA ginamit sa #UNANGTIKIM movie namin ni Angeli Khang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bundle lingerie namin ni Robb Guinto P7,500 na lang!! San ka pa,” sey naman ni Angeli.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending