Boss Toyo senti nang mapadaan sa MRT: Langya, sobrang layo na

Boss Toyo emosyonal nang mapadaan sa MRT: Langya! Sobrang layo ko na!

Ervin Santiago - November 21, 2024 - 12:44 AM

Boss Toyo emosyonal nang mapadaan sa MRT: Langya! Sobrang layo ko na!

Boss Toyo

NAGPAKASENTI ang content creator at negosyanteng si Boss Toyo nang mapadaan siya sa MRT habang binabaybay ang kahabaan ng EDSA.

Napa-throwback si Boss Toyo noong panahong walang-wala pa siya at bagong salta pa lamang sa Maynila mula sa kanilang probinsya.

Sa kanyang Facebook page, naikuwento nga niya ang hirap na pinagdaanan niya sa buhay kabilang na ang ginagawa niyang sobrang pagtitipid para mas malaking halaga ang maiuwi niya sa kanyang pamilya.

“Sarap magbaliktanaw langya napadaan kami sa MRT naalala ko un dating Jayson Oblack Toyo na unang sampa sa Metro Manila.

Baka Bet Mo: Boss Toyo wish mabili ang Lastikman costume ni Vic; nagsisi kay Daniel

“Un wla talagang kaalam alam pano pumunta sa mga lugar lugar panay tanong pano ba ako makakapunta dun san ako sasakay ano sasakyan ko o san ako bababa literal na nakipagsapalaran ako nu’n.

“Naka short tshrt at pekeng bag na jansport hahaha naalala ko lahat yn buong buong pde ko ikwento bawat detalye,” simulang pagbabalik-tanaw ni Boss Toyo.


Patuloy pa niya, “Tapos un sobrang tipid na talagang isang beses lang nakain sa isang araw at sa pares lang talga ko nakain dahil talgang nagtitipid at mas gusto ko na mas maraming iuwe na kita sa mga anak ko nuon.

“Sayang talga nawala un luma kong FB nung 2020 andun un mga selfie ko na nakdikit un muka ko sa pinto ng mrt tapos pawis na pawis, un tshrt ko na namumuo na un pawis dahil basa tapos matutuyo,” aniya pa.

Sey pa ng collector ng mga memorabilia ng mga celebrity at mga sikat na personalidad, hindi pa rin siya makapaniwala na ibang-iba na ang buhay niya ngayon.

“Iba un pakiramdam ko kasi langya sobrang layo ko na eh!!

“Ngaun hindi na ako nagcocommute me sriling driver, me yaya, me tagaluto me bantay me magndang sasakyan kaya ko na din kainin laht ng gusto ko.

“Wala lng nga kagenggeng gsto ko lang sabhin s inyo na hindi man parehas ang ating kapalaran eh sigurado akong me nakalaan din sa inyo.

“Pagsikapan at manalangin lang kasi ako halos 10yrs in the making lahat to.hindi lng 100 pagsubok at problma un dumaan pero nanatili lang akong naniniwla na darating din ang araw para sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya mga kagenggeng ko hangad ko sa inyong lahat eh naway matupad din ang mga hiling nyo sa buhay  si toyo toh mah men,” ang mensahe pa ni Boss Toyo sa kanyang mga social media followers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending