JK Labajo naloka, nawawalang underwear ibinenta sa marketplace

JK Labajo naloka, nawawalang underwear ibinenta online

Therese Arceo |March 02,2024
facebook
share this

JK Labajo naloka, nawawalang underwear ibinenta online

Therese Arceo - March 02, 2024 - 02:11 PM

JK Labajo naloka, nawawalang underwear ibinenta online

JK Labajo

MULING inalala ng singer-songwriter at aktor na si JK Labajo ang “wild” experience na naranasan nya sa kanyang mga tagasuporta.

Sa kanyang panayam sa PEP.ph, nausisa ang aktor ukol sa kanyang mga fan encounters na para sa kanya ay espesyal at hindi niya malilimutan.

“Pinakamasaya actually is yung mga minsan may out-of-the-country shows kami, tapos biglang may fan na nasa eroplano rin tapos pupunta doon sa country na yun para lang manood,” pagbabahagi ni JK.

Kuwento pa niya, may pagkakataon raw na may show sila sa Amerika tapos may fan na lumipad pa papuntang Amerika kahit taga-Pilipinas ito para lamang manood ng kanyang show.

“Kahit ako nabibigla na ta’s tatanungin ko siya, ‘Kakapanood mo lang sa akin doon sa Mandaluyong, bakit ka manonood sa U.S.?’ [Ang sagot niya], ‘Wala lang, para mapanood kita.’ Di ba, kahit wala namang pinagkaiba?” sabi pa ni JK.

Dito ay naibahagi niya rin ang kanyang “wild” encounter sa kanyang mga faney.

Chika ni JK, “Meron ding wild stories. Like, yung mga nagtatapon ng underwear sa bintana ng hotel [na tinutuluyan ko], mga ganyan.

“Meron din one time tumakbo palapit sa amin sa hallway na nakahubad galing elevator.”

Baka Bet Mo: JK Labajo naantig ang puso sa mensahe ng faney na cabin crew

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Meron rin daw pagkakataon na sinira ang bintana ng van na sinasakyan ni JK.

Pero sa kabila ng mga naibahagi ng binata ay may isa raw siyang hindi makakalimutan kung saan nawalan siya ng underwear.

“Parang one time… we had a show and then all of a sudden, nawala yung underwear ko. Kasi nagbibihis kami. Usually, right after the show, nagbibihis kami,” natatawang kwento ni JK.

Pagpapatuloy niya,”Kasi ako, sobrang pawisin akong tao… we change. And all of the sweaty clothes were put somewhere. So, one time, nawala yung underwear ko. Okay [sabi ko], ‘Ang weird, saan kaya napunta yun?'”

Pero ang nakakalokang nadiskubre ni JK ay may nagbenta ng kantang underwear online.

“Tapos we found out kasi pinost sa Facebook na for sale.[Nakalagay pa] ‘Underwear ni JK.’ Tapos parang times five yung presyo ng underwear.

“Tapos parang nakalagay pa ata sa description na ‘never been washed.'” sey pa ni JK.

Sa kabila naman ng mga na-encounter niya sa kanyang mga fans ay grateful pa rin ang singer-songwriter sa mga ito.

Ani JK, “At the end of the day, I appreciate any kinds of reactions. Whether they’re bad or good, the reactions, that’s nice because, you know, it’s nice to think that people out there are really spending a lot of their time and efforts in supporting you and following whatever trip it is you’re doing with your life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung mayroong wild, marami rin naman magagandang bagay. Super dami din, like, sinasamahan ako sa mga charities.Super dami at lahat yon naa-appreciate ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending