Angeli, Robb may sex scene sa creek: Ice bucket challenge!

Angeli, Robb may sex scene sa creek: Parang ice bucket challenge!

Ervin Santiago - August 01, 2024 - 12:45 AM

Angeli, Robb may sex scene sa creek: Parang ice bucket challenge!

Angeli Khang, Robb Guinto at Roman Perez, Jr.

IN FAIRNESS, mas dumami pa ang nakakakilala ngayon sa Vivamax Queen na si Angeli Khang dahil sa Kapuso Prime series na “Black Rider” na pinagbidahan ni Ruru Madrid.

Hindi lang daw ang mga parokyano ng Vivamax ang mga supporters niya ngayon kundi pati mga Kapuso viewers na tumutok sa katatapos lamang na action-drama series na “Black Rider.”

Tuwang-tuwa nga ang dalaga nang maimbita siya sa GMA Gala 2024 last July 7, kung saan nakita at nakahalubilo niya ang mga bigating bossing at celebrities ng Kapuso Network.

Baka Bet Mo: Robb Guinto, Micaella Raz walang bawal kapag babae ang ka-sex scene

“Ang daming nagha-hi! Ang daming kumakausap sa akin, every booth pinapunta ako hanggang sa pagpunta ko sa table, ang daming tuma-tap sa arms ko,” chika ni Angeli about her experience sa GMA Gala this year.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


Nakakuwentuhan namin si Angeli sa presscon ng latest movie niyang “Unang Tikim”, ang kauna-unahang Vivamax Original Movie na ipalalabas sa mga sinehan mula sa direksyon ng cult director na si Roman Perez.

“I feel the people’s praise and support. Sobrang nakakataba ng puso. One time nag-vlog kami sa Viva, it’s a public place. Halos lahat ng mga tao lumalapit, sinasabi nila, ‘Nimfa! Nimfa!’ (karakter niya sa Black Rider).

“Narinig ko sabi ng videographer namin, ‘Ano kaya yung ipinu-promote natin dito, Black Rider o Viva pa ba?’ Every time na nakikita nila ako, nakangiti, niyayakap nila ako. Yung iba talagang kinakausap ako. Nakaka-brighten ng day,” sabi pa ni Angeli.

Baka Bet Mo: Kim shookt nang mapansin ni Yuna ng K-pop group na ITZY: Like OMG! I cannot breathe!

At ang ikinagulat at ikinatuwa pa ni Angeli ay mga kabataan na rin siyang fans, “Pati mga bata, yesterday, nag-mall show kami, yung mga bata habang kumakanta ako, niyakap nila ako. Nakakataba ng puso.”

Samantala, busugin ang inyong mga mata sa “Unang Tikim”, ang first Vivamax movie na ipalalabas sa mga sinehan ngayong Agosto.

Mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr., ang girl love movie na ito ay pinagbibidahan nina Angeli Khang at Robb Guinto, kasama si Matt Francisco.

First love nina Yuna (Angeli Khang) at Becca (Robb Guinto) ang isa’t isa, at magkasama nilang naranasan ang lahat ng una – unang halik, unang haplos, unang sexual experience.

Mukhang walang makakasira ng kanilang pag-ibig, hanggang sa mapilitang mag-migrate ni Becca sa America para makasama ang kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


Sa kanilang dalawa, si Becca ang matuturing na “lipstick lesbian”. Isa rin siyang artist at introvert. Sa pag-ibig, binubuhos niya ang lahat. Samantala, si Yuna ay bisexual.

Mukhang inosente, pero agresibo pagdating sa pakikipagsiping. Maalaga siya sa kanyang minamahal, pero hindi niya kaya ang long distance relationship.

Dito pumasok sa eksena si Nicco (Matt Francisco). Matagal na niyang gusto si Yuna, at naging malapit silang dalawa habang nasa LDR si Yuna kay Becca. Tuluyang napasakanya si Yuna nang magpasyang maghiwalay ng dalawang dalaga.

Ngayon, makalipas ang apat na taon, ikakasal na sina Yuna at Nicco. Isa nang professional photographer sa America si Becca, at nagbalik sa Pilipinas para tuparin ang kanyang dream photo exhibit. May bago na itong lover, si Trisha (Christy Imperial).

Sa pagkukrus ng landas nina Yuna at Becca, ramdam pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Kung totoo ngang “first love never dies”, tama nga bang talikuran ni Yuna ang lahat para dito?

Showing na ang “Unang Tikim” sa lahat ng sinehan nationwide simula sa August 7.

Anyways, kahit matagal nang naghuhubad sa harap ng camera sina Angeli at Robb, challenge pa rin sa kanila ang ginawang sex scenes sa “Unang Tikim” pero wala naman daw awkward moments.

Sey ni Robb, “Especially nu’ng first few intimate scenes namin, tawa lang kami nang tawa after. For me, when I learned that I would be working with Angeli, there were really no adjustments for both of us kasi comfortable na kami sa isa’t isa aside from the fact na magkaibigan kami.”

Sey naman ni Angeli, “I remember what we said when we were naked, facing each other, ‘Luckily, it’s the two of us working on this together.’ It was fun because it was like we were just playing while doing our parts.”

Ang most challenging love scene raw na ginawa nila sa movie ay yung kinunan sa creek. Kuwento ni Robb, “It was raining, umaga pa yun. It was ice cold! The challenge was while we were doing the sexy scene, tina-try kong hindi manginig yung bibig ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It was like an ice bucket challenge. Of course, nu’ng ginagawa na namin yung love scene, we had to look normal kahit sobrang lamig. Nu’ng sumigaw na ng ‘Cut!’ si Direk, nanginginig talaga kami.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending