Ruru may Angeli na, may Salome pa; Bianca inasar ng netizens

Ruru Madrid may Angeli na, may Salome pa; Bianca inasar ng netizens

Therese Arceo - May 25, 2024 - 10:58 AM

Ruru Madrid may Angeli na, may Salome pa; Bianca inasar ng netizens

MULI na namang napagdiskitahan ng mga netizens ang “Black Rider” star na si Ruru Madrid.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang larawan nilang dalawa ng adult-content star na si Salome Salvi.

Ibinahagi kasi ni Salome sa kanyang Facebook page amg larawan nila ni Ruru na talaga namang pinagkaguluhan ng mga netizens.

Caption ni Salome, “kabanata 25: elias at salome.”

Baka Bet Mo: Ruru napalaban ng halikan kay Angeli Khang; knows ba ni Bianca yarn!?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Para sa mga hindi aware, sina Salome at Elias ay ang mga karakter sa nobela ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na “Noli Me Tangere”.

Bukod pa rito, magiging parte na rin si Salome ng Kapuso teleserye na “Black Rider” kung saan gumaganap si Ruru bilang si Elias.

Kaya naman hindi nakatakas sa pang-aasar ng mga netizens ang Kapuso actor dahil bukod kay Angeli Khang ay makakasama na rin niya sa teleserye si Salome.

Maging ang dyowa nitong si Bianca Umali ay hindi rin nakatakas sa kalokohan ng mga netizens.

“Bianca ano na kabahan ka na hahahaha,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “Lakas naman ni Ruru hahaha.”

“Mas magaling si Salome kaysa kay Angeli, solid ‘yan eh hahaha,” hirit naman ng isa.

Matatandaang kamakailan lang nang mag-trending ang pagpasok ni Angeli sa “Black Rider” ngunit taliwas sa mga pang-aasar ng madlang netizens ay hindi naman daw ito nagseselos sa tambalan ng boyfriend at ng kilalang sexy star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending