Ruru napalaban ng halikan kay Angeli Khang; knows ni Bianca

Ruru napalaban ng halikan kay Angeli Khang; knows ba ni Bianca yarn!?

Ervin Santiago |April 17,2024
facebook
share this

Ruru napalaban ng halikan kay Angeli Khang; knows ba ni Bianca yarn!?

Ervin Santiago - April 17, 2024 - 09:21 AM

Ruru napalaban ng halikan kay Angeli Khang; knows ba ni Bianca yarn!?

Bianca Umali, Ruru Madrid at Angeli Khang

FIRST taping day pa lang ng Vivamax Queen na si Angeli Khang sa “Black Rider” ay napasabak agad siya sa matindihang halikan kasama si Ruru Madrid.

Walang naganap na sensuality workshop o kahit bonding-bonding time sa pagitan ng Kapuso Action Hero at ng sexy actress bago kunan ang kanilang kissing scene.

Parehong shookt sina Ruru at Angeli nang sabihin sa kanila ng production na halikan agad ang unang eksena nila sa Book 2 o Next Chapter ng hit GMA primetime series na “Black Rider.”

Baka Bet Mo: Laplapan nina Coco at Ivana tinalbugan ang viral halikan nina Alden at Julia

Isa lamang ang tinaguriang reyna ng Vivamax sa mga bagong karakter na mapapanood sa naturang Kapuso serye. Si Angeli ang magiging love triangle sa tambalan nina Ruru at Yassi Pressman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento ni Ruru, “Talagang nagulat nu’ng mag-report uli ako sa taping namin. Hindi ko alam na may kissing scene pala sa script.

“Awkward, kasi siyempre first time naming mag-meet ni Angeli sa taping tapos yun agad ang kukunan nina Direk.

“Pagdating ko sa set, walang signal dahil nasa Tanay kami, pag-check ko, ‘Totoo nga, may kissing scene nga, at kanino?’ ‘Kay Miss Angeli Khang!’ Medyo nagulat ako na meron na agad ganu’ng eksena,” natatawang kuwento ni Ruru.

Baka Bet Mo: Rita Avila walang arte-arte sa halikan, love scene sa batang partner

Pero sey ni Ruru, okay naman yung naging experience nila ni Angeli sa taping dahil nagsilbing ice breaker daw yun para mas maging komportable sila sa isa’t isa.

Ang chika naman ni Angeli, “Nagulat kami, kasi nga kissing scene agad yung pinagawa sa amin. Parang, ‘Hi, hello! Halikan na agad!’ Sabi nga namin, ‘Wala man lang bonding? Ito na ang bonding natin, kiss na agad!’”

Na-enjoy naman daw ni Angeli ang first taping day niya sa “Black Rider” pero aniya sa mga fans ni Ruru, “Para sa mga viewers, trabaho lang po, professional.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Natanong naman si Ruru kung alam ba ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali na may intimate scenes siya with Angeli na kilala bilang pantasya ng mga kalalakihan dahil sa mga sex-drama movies nito sa streaming app na Vivamax.

Pag-amin ng aktor, hindi niya nasabi agad kay Bianca ang halikan nila ni Angeli dahil walang signal ng cellphone sa location ng kanilang taping sa Tanay, Rizal.

“Sa totoo lang hindi malinaw sa akin na may kissing scene kasi galing kami ng Canada, e, (para sa Sparkle Tour). Tapos pag-uwi dumiretso na ako ng taping.

“Pagdating ko sa set, pagkabasa ko ng script, meron palang mga kissing scene, akala ko dyino-joke lang ako ng production, pero totoo pala! Sabi ko, kailangan kong masabi ito sa kanya, pero wala akong choice, no signal, e.

“Nag-decide ako na gawin na yung eksena para hindi na magkaroon ng problema sa production, tapos after that nu’ng makahanap na ako ng signal, saka ko in-explain sa kanya.

“Kami ang usapan naman namin ni Bianca, pagdating sa mga ganyang bagay, wala naman kaming pigilan. Hindi naman namin pinapakialaman ang trabaho ng isa’t isa.

“Kumbaga sa aming dalawa ni Bianca, dapat lang maging transparent kami kapag may mga ganiyang eksena,” esplika ni Ruru.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan pa sa mga bagong karakter na eeksena sa serye ay sina Lianne Valentin, Luke Conde, BJ Forbes, Epy Quizon, Madam Inutz, William Lorenzo, Yul Servo at Matet De Leon. Kasama pa rin siyempre sina Yassi Pressman, Herlene Budol, Raymond Bagatsing, Rio Locsin, Jestoni Alarcon at Jon Lucas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending