Rita walang arte-arte sa halikan, love scene sa batang partner

Rita Avila walang arte-arte sa halikan, love scene sa batang partner

Ervin Santiago |March 03,2024
facebook
share this

Rita Avila walang arte-arte sa halikan, love scene sa batang partner

Ervin Santiago - March 03, 2024 - 08:40 AM

Rita Avila walang arte-arte sa halikan, love scene sa batang partner

Rita Avila at EA Guzman

GAME ang seasoned actress na si Rita Avila sa halikan at love scene with younger actors dahil bahagi pa rin daw ito ng trabaho niya bilang artista.

Sa katunayan, may dalawang project na siyang ginawa kung saan nagkaroon siya ng intimate scenes sa mga aktor na mas bata sa kanya ng ilang taon.

Naibahagi ni Rita ang ginawa niyang pakikipaghalikan with matching love scene pa sa isang pelikula niya kasama ang Kapuso actor na si EA Guzman.

Sa guesting niya last Friday, March 1, sa “Fast Talk with Boy Abunda”, napag-usapan ang age gap nila ng kanyang asawang direktor na si FM Reyes at ang mga batang naging leading man niya.

Baka Bet Mo: Laplapan nina Coco at Ivana tinalbugan ang viral halikan nina Alden at Julia

Nakasama ni Rita Avila si EA Guzman sa pelikulang “Magdamag” na ipinalabas  noong 2010, at ang isa pang Kapuso star na si Martin Del Rosario na nakatambal naman niya isang episode ng “Magpakailanman” noong 2020.

Ang diretsahang tanong ni Titi Boy kay Rita, “Kung hindi man naging issue ‘yung mas bata sa ‘yo si Erick (Direk FM), naging issue ba na pati ang leading men mo are getting younger?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)


“Kami ni EA, alam mo, the night that I met him, natawa ako. Hindi dahil…I didn’t mock him a. Pero parang, ‘Ha? ‘Yan ang leading man ko?’

“Pero, nu’ng first shoot namin, alam ko na that he’s a good actor. Na-sense ko na. Magaling ‘yung bata,” kuwento ng dating sexy star.

Sundot na question ni Tito Boy, “Would you do kissing scenes with younger actors?”

“Yeah, we did. I did with both of them. Kay Martin smack lang naman e. Kay, EA, as in love scene! Love scene talaga,” aniya.

Baka Bet Mo: Jake Cuenca handang mag-frontal nudity sa 1 kundisyon: If it’s a Hollywood film, let’s do it!

Sey ni Rita, sa mga intimate scenes daw ay talagang hindi naiwasan ang magkaroon ng ilangan pero natapos naman nila ni EA ang kanilang love scene.

“Wala, parang tinanong lang naman kami nung director kung hanggang saan pwede, ganyan. Tapos wala na, ‘yun na. Ganu’n talaga, yung parang kapag nandu’n ka na, parang magic ‘yan e. You transform.

“Pero kapag cut na, siyempre parang, I don’t know kung hindi kami nagtitinginan, may, may hiya, ‘yung ganyan, tapos parang nailang,” pag-alala pa ni Rita.

Dagdag pa ng aktres, “Hindi ko lang siya matawag na anak, kasi paano siyang aarte na ka-love scene ko, kung anak ang tawag ko sa kanya sa set, ‘di ba? But after that, nu’ng shoot namin, ‘Ayan!’, sabi ko, ‘Pwede na kitang tawaging anak.’”

Makalipas ang ilang taon, muling magkakasama sina Rita at EA sa latest GMA Afternoon Prime series na “Lilet Matias, Attorney-At-Law” na magsisimula na bukas, March 4.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bida rito ang magaling ding aktres na si Jo Berry na gaganap na abogado sa kuwento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending