Jake Cuenca handang mag-frontal nudity sa 1 kundisyon: If it’s a Hollywood film, let’s do it! | Bandera

Jake Cuenca handang mag-frontal nudity sa 1 kundisyon: If it’s a Hollywood film, let’s do it!

Reggee Bonoan |November 30,2022
facebook
share this

Jake Cuenca handang mag-frontal nudity sa 1 kundisyon: If it’s a Hollywood film, let’s do it!

Reggee Bonoan - November 30, 2022 - 07:50 PM
Jake Cuenca handang mag-frontal nudity sa 1 kundisyon: If it’s a Hollywood film, let’s do it!

SA solo presscon ni Jake Cuenca para sa “My Father, Myself” na ginanap nitong Martes ng hapon ay inaming muli siyang tatanggap ng karakter na closet gay at okay din ang may halikan at love scene.

Nabanggit niya na wala naman siyang issue sa mga ganitong role dahil confident siya sa kanyang pagkalalaki.

Pero siyempre medyo bitin kung halikan lang ang mapapanood ng 18 years old and up kaya natanong kung okay sa kanya ang may frontal nudity.

Aniya, “It really depends. Wala naman akong limitations pero certainly pipilin ko yung pelikula na gagawin ko, like I’m not gonna do that for something.

“Kumbaga, if it’s a Hollywood film, yes, let’s do it. If it’s a film that’s going to Cannes or Venice or Oscar’s, let’s do it. Why not? I will not hold back.

“But if it’s something na baka, maybe, if, when, naku huwag na. Kung hindi rin sigurado na makakarating tayo doon, then maybe I won’t do it,” diretsong sagot ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)

Anyway, kung magiging open ang mga hurado sa Metro Manila Film Festival 2022 at hindi nila paiiralin ang pagiging konserbatibo ay malaki ang laban ni Jake sa pagka-best actor, pero kung hindi tanggap ng kanilang paniniwala ang mga eksena sa “My Father, Myself,” e, baka hindi nga makakalusot ang aktor.

Hindi naman apektado si Jake dahil yung mga narinig niyang papuri mula dlsa co-actors niya, mga nakapanood na ng trailer at ni Direk Joel Lamangan ay sapat na para sa isang award.

Naikumpara rin si Jake kay Sean de Guzman na walang takot magpakita ng kanyang private part.

“Ang difference namin ni Sean, matagal ko nang ginagawa ito, and even though hindi ako nag-full frontal, I have shown a lot. Ang dami ko nang naipakita.

“I will save that for the big one. I will save that for the big movie,” say ng aktor.

Mapapanood na ang “My Father, Myself” simula sa December 25 na siyany entry ng 3:16 Media Network and Mentorque Productions sa 2022 MMFF directed by Joel Lamangan.

 

Related Chika:
Kylie Verzosa sa relasyon nila ni Jake Cuenca: Hindi ko po matatawag na failed relationship

Jake Cuenca, Kylie Verzosa hiwalay na raw, totoo nga kayang dahil sa sobrang selosan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake Cuenca sa mga pinagdaanan sa buhay: Talo ka naman talaga if you don’t learn

Jake Cuenca wala pa sa mood magkadyowa uli, umaming sagad magmahal: Ganu’n ako, inuubos ko ang sarili ko para sa isang tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending