Kylie Verzosa sa relasyon nila ni Jake Cuenca: Hindi ko po matatawag na failed relationship | Bandera

Kylie Verzosa sa relasyon nila ni Jake Cuenca: Hindi ko po matatawag na failed relationship

Reggee Bonoan |April 22,2022
facebook
share this

Kylie Verzosa sa relasyon nila ni Jake Cuenca: Hindi ko po matatawag na failed relationship

Reggee Bonoan - April 22, 2022 - 06:30 PM

Kylie Versosa sa relasyon nila ni Jake: Hindi ko po matatawag na failed relationship

KYLIE VERSOZA AT JAKE CUENCA

KAHIT ‘broken’ ang nararamdaman ngayon ng aktres na si Kylie Verzosa dahil hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Jake Cuenca ay nagagampanan pa rin niya ang trabaho niya bilang isa sa hurado kasama sina Chie Filomeno at Ruffa Gutierrez ng segment na Sexy Babe sa “It’s Showtime”.

Bukod dito ay may mga hosting events din niya on the side kaya bisi-bisihan ang dalaga na magandang way ito para mabilis siyang makapag-move on.

Hindi pa inaamin nina Kylie at Jake na hiwalay na sila pero ayon sa aming source ay maglalabas sila ng official statement isa sa mga araw na ito.

Hmm, may face-to-face mediacon ngayong hapon si Kylie para sa pelikulang “Ikaw Lang Ang Mahal” kasama sina Cara Gonzales at Zanjoe Marudo mula sa direksyon ni Richard Somes for Viva Films at lahat ay nakatutok sa pasabog ng dalaga hingil sa hiwalayan nila ni Jake.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)

At sa katatapos nga na mediacon ng pelikulang “Ikaw Lang Ang Mahal” ngayong hapon ay simula palang ng event ay nakiusap na siya na sana huwag siyang tanungin tungkol sa personal niyang buhay at may focus lang muna sa pelikula.

Pero hindi pa rin nangyari dahil natanong ang dalaga kung halimbawang may magsabi sa kanya ng ikaw lang ang mahal after ng failed relationship niya sa isang aktor.

Bagama’t hindi binanggit ang pangalan ni Jake Cuenca ay alam naman ng lahat kung sino ang boyfriend na tinukoy sa failed relationship.

“Hindi ko po matatawag na failed relationship,” kaswal na sagot ni Kylie.

Hiniritan ulit siya ng tanong, “Ay bakit hindi? Kayo pa ba? Hindi ba nag break na kayo? Kayo pa rin?”

Natigilan si Kylie at halos maiyak na sa narinig at ibinaba ang mikropono na tila gusto na sigurong mag walk out.

Pero napahanga ni Kylie ang lahat ng tao sa presscon dahil very beauty queen ang pagkaka handle niya sa mga tanong na mahirap sagutin dahil hurting siya.

Mahal daw magmahal in terms of gastos ang next question sa leading lady ni Zanjoe Marudo.

“Hindi ko siya kino-consider na gastos kasi mahal mo ‘yung tao, eh,” malumanay na sagot ni Kylie.

Samantala, mapapanood na ang “Ikaw Lang Ang Mahal” na unang love story movie ni Direk Richard Somes handog ng Viva Films na mapapanood na sa Vivamax sa Mayo 20.

 

Related Chika:
Jake Cuenca pumayag nang gumanap na tatay sa serye; kinarir ang pagiging ‘politiko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Jake sa gitna ng chikang hiwalay na sila ni Kylie: I will try to fix you…

Kylie Versoza na-appreciate si Marco; worried nang hinabol ng mga pulis ang dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending