Kylie Versoza na-appreciate si Marco; worried nang hinabol ng mga pulis ang dyowa | Bandera

Kylie Versoza na-appreciate si Marco; worried nang hinabol ng mga pulis ang dyowa

Reggee Bonoan |October 26,2021
facebook
share this

Kylie Versoza na-appreciate si Marco; worried nang hinabol ng mga pulis ang dyowa

Reggee Bonoan - October 26, 2021 - 12:43 PM

Kylie Versoza na-appreciate si Marco; worried nang hinabol ng mga pulis ang dyowa

MATITINDI ang love scenes ng mga bida ng pelikulang “My Husband, My Lover” na sina Kylie Verzosa, Cindy Miranda, Adrian Alandy at Marco Gumabao sa isa’t isa na idinirek ni Mac Alejandre produced ng Viva Films.

Sina Cindy at Marco lang ang single kaya walang problema, si Adrian ay may asawa na at si Kylie naman ay may boyfriend — si Jake Cuenca.

Kaya natanong ang Miss International 2016 sa ginanap na virtual mediacon ng pelikula kung ano ang reaksyon ng boyfriend niya dahil lahat ng mga ginagawa niyang eksena sa bawat project ay sinasabi niya rito at kung nakita na nito ang trailer ng “My Husband, My Lover”.

Labis na ipinagpapasalamat ni Kylie dahil supportive sa lahat ng ginagawa niya si Jake.

Aniya, “I’m very grateful to have a supportive boyfriend and especially sa industry na ito na very rare and I really feel lucky and blessed to have him and support me in projects like this.”

Isinasantabi raw ng aktor ang selos.

“Siyempre alam mo human pa rin tayo at nakakaramdam ng ganu’n (selos) but he is a very professional actor. He wishes me the best for my career and naintindihan niya kung ano ‘yung kailangan kong gawin at ano ‘yung gusto kong gawin sa career ko.

“And this is only one of the things na I wanted to do, napakaganda po ng materyal, magaling po ‘yung cast, magaling ‘yung direktor. Ginrab ko po itong opportunity na ito. I feel so lucky and blessed to have him by my side.”

At sobrang na-appreciate ng dalaga na nagpaalam pala si Marco kay Jake sa mga eksenang gagawin nila bagay na nalaman lang niya dahil sinabi ng boyfriend niya.

Magkaibigang tunay daw kasi sina Marco at Jake simula ng magsama sila sa TV series na “Los Bastardos” sa ABS-CBN noong 2019 na ayon din sa una na lagi siyang thirdwheel sa dalawa kapag may mga lakad kaya bilang respeto ay kailangan niyang ipaalam sa kaibigan.

Pero aminado ang aktres na sobra siyang kinabahan sa love scenes na ginawa niya sa dalawang leading man.

“Ako po yes, kinabahan ako pero while doing the love scenes dapat best na super relaxing ka at hindi dapat kabahan kasi makikita po ‘yun sa camera, sa scene.

“As Kylie, kinabahan po ako nu’ng nakita ko ‘yung trailer, sobrang kinabahan po ako talaga, nakakakaba talaga and shookt talaga.

“More than this, I think mapapakita din namin ‘yung acting din namin. Yes, physically demanding, yes marami kaming napakita. I think sa story, the directing, the editing is going to be good,” kuwento ng aktres.

Samantala, wala si Kylie sa tabi ni Jake noong hinabol at pinagbabaril ng mga otoridad na hindi naka-uniporme ang kanyang sasakyan para huminto siya sa Mandaluyong City noong gabi ng Oktubre 9.

Ayon sa aktor ay pinara siya ng mga hindi nagpakilalang pulis na ikinatakot niya kaya pinatakbo niya kaagad ang heavily-tinted black Wrangler Jeep niya hanggang sa umano’y may nabunggong sasakyan na nakaparada na naging dahilan ng mga ito para siya ay habulin.

Huminto lang ang aktor nang makakita siya ng naka-unipormeng pulis kung saan siya inabutan ng mga humahabol at kaagad tsinek ang kanyang sasakyan at saka siya dinala sa Mandaluyong Police station.

Kuwento ng dalaga, “sobrang nalulungkot po ako sa nangyari and to be really honest, sinu-shoot ko po talaga ‘yung Sisid nu’ng nangyari ‘yung incident at hindi ako nakatulog parang nawala rin ako sa sarili ko dahil I was so worried.

“And it took time for me to know the real story pero I just really feel bad for all parties involved and Jake is getting better. He’s recovering and happy na narito (bahay nila) siya ngayon.”

Sa kasalukuyan ay okay na si Jake at malapit ng umere ang series nito sa Kapamilya network na “Viral Scandal”.

“May show siya sa ABS (CBN) and naayos na po nila, I think ‘yung official announcement would be sometime next week, okay na po. Very unfortunate event lang siya for all parties,” pahayag ni Kylie.

Nang mangyari ito ay tinawagan naman siya kaagad ng boyfriend.

“Yes actually, oo, before kaya, oo parang out of myself ako no’n, so. All parties are healing with this situation. Magkausap kami and non and happy ako na sinasagot niya pa rin ‘yung phone na very responsive siya sa akin everytime I would call every hour to check upon him. I just fully support him and I know he’ll get through this,”sabi ni Kylie.

Anyway, sa Nobyembre 26 na ang “My Husband, My Lover” na isinulat ni Ricky Lee. Streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:
Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya!

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending