Jake Cuenca pumayag nang gumanap na tatay sa serye; kinarir ang pagiging 'politiko' | Bandera

Jake Cuenca pumayag nang gumanap na tatay sa serye; kinarir ang pagiging ‘politiko’

Ervin Santiago |November 24,2021
facebook
share this

Jake Cuenca pumayag nang gumanap na tatay sa serye; kinarir ang pagiging ‘politiko’

Ervin Santiago - November 24, 2021 - 12:00 PM

Jake Cuenca

SA kauna-unahang pagkakataon, makalipas ang dalawang dekada niya sa showbiz, tumanggap na ng father role ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca.

Sa bagong drama series ng ABS-CBN na “Viral Scandal”, gumaganap si Jake bilang Mayor Troy Ramones na ex-boyfriend ni Kakay Sicat (Dimples Romana) at siyang biological father ni Rica (Charlie Dizon).

Pahayag ni Jake sa nakaraang virtual mediacon ng nasabing teleserye, “Siguro ang pinaka-challenging for me kasi, aaminin ko nu’ng unang inalok sa akin yung role, I really, really had to think about it really well.

“Kasi maraming firsts for me eh, kasi siyempre father role na mas matanda na yung daughters ko and then also nu’ng nag-usap na kami ni direk Dado (Lumibao) parang challenge siya eh, hindi siya within my comfort zone na role. 

“Hindi siya yung typical na spoonfed na bigay sa akin lahat ng plot and everything. I really, really had to create a character from scratch. Sabi ko nga nu’ng tinanggap ko na siya, tumingin ako sa salamin tapos inayos ko ng konti yung buhok ko tapos sinabi ko sa reflection ko, ‘Paano ko gagawin ’to?’ 

“So maganda rin naman kasi we were blessed with time eh. Kumbaga when pinitch sa amin ito, we had a lot of time to prepare,” aniya pa.

Kuwento pa ni Jake tungkol sa kanyang role, “I am married to the character played by Maxene Magalona. We have a clan called the Ramones clan who is very powerful in Sidero. 

“There are things in my past na hindi ko mabitawan. There are things in my past na gusto ko bumawi sa mga kasalanan ko in the past which dun niyo makikita kung paano ako nakadugtong sa Sicat family.

“Makikita n’yo yung drama between the Sicat family and the Ramones family at kung paano magtahi tahi yung kuwento namin. Yung pamilya kasi ng Ramones is a proud political family. Si Troy yung nag-iisang may gustong itama lahat ng mga naging mali sa family niya. So makikita niyo yan sa Viral Scandal,” chika ng aktor.

Jake na-trauma matapos barilin ng pulis ang kanyang sasakyan: Takot na takot siya sa nangyari!


At para naman sa ginawa niyang paghahanda sa pagganap bilang politiko, “I took on a lot of political books from the Clinton administration to the Bush administration hanggang kay Biden and Trump at the same time tinyaga kong panoorin ulit yung Senate hearing ng ABS-CBN. 

“Isa siyang bagay na alam na alam ko kung ano yung pinag-uusapan so naka-relate ako agad. Hanggang sa ngayon, before dumating sa set naririnig nila nanonood ako ng Senate hearing habang tumatakbo sa umaga.

“Exciting siya. Parang nu’ng inalok sa akin ito, I couldn’t ask for more kasi sobrang blessed ko to be working with this group of people kasi hindi rin naging madali sa akin itong last cycle, eh,” sabi pa ni Jake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “Viral Scandal” na napapanood sa Kapamilya Channel gabi-gabi sina Joshua Garcia, Miko Raval, Jameson Blake, Markus Paterson, Ria Atayde, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada,Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces at Aya Fernandez. 

Jake sa mga umarestong pulis: Hindi ako naglaban, hindi ko sila pinahirapan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending