Jake Cuenca wala pa sa mood magkadyowa uli, umaming sagad magmahal: Ganu'n ako, inuubos ko ang sarili ko para sa isang tao | Bandera

Jake Cuenca wala pa sa mood magkadyowa uli, umaming sagad magmahal: Ganu’n ako, inuubos ko ang sarili ko para sa isang tao

Ervin Santiago - November 28, 2022 - 07:33 AM

Jake Cuenca wala pa sa mood magkadyowa uli, umaming sagad magmahal: Ganu'n ako, inuubos ko ang sarili ko para sa isang tao

Jake Cuenca

HINDI napigilan ni Jake Cuenca ang mapaiyak at maging emosyonal sa presscon ng pelikula niyang “My Father, Myself” last Thursday, November 24.

Nang mapag-usapan ang tungkol sa trailer ng official entry nila sa Metro Manila Film Festival 2022 at purihin ng media ang akting niya sa movie ay nagsimula nang mangilid ang kanyang luha.

May mga nagkomento na mukhang napalalim daw ng mga hugot niya sa buhay ngayon kaya ang bilis niyang maiyak. Hindi kaya epekto pa rin ito ng paghihiwalay nila ni Miss International 2016 Kylie Verzosa?

“I think it’s not just the breakup, maraming nangyari na matu-trauma ka, kapag pinagbabaril ka ng mga pulis, iyan ang una,” ani Jake na ang tinutukoy ay ang kinasangkutang car chase noong madaling-araw ng October 9, 2021.

Patuloy pa niya, “Siyempre nu’ng pandemya rin, ayoko namang i-elaborate na I will solely say it’s because of my love life, kasi it’s not.

View this post on Instagram

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


“Siyempre may mga family members ako, immediate family members, who passed away because of COVID, my lola, my Tito Manoling (Morato), a lot of things.

“And siyempre, the breakup was just another factor of the many things that affected me. Parang nagsabay-sabay. Pero you know, not because I cry, or because I am emotional doesn’t mean I’m gonna give up. I’m pushing forward and I’m not giving up,” pahayag ng aktor.

“Marami akong lessons na natutunan, pero siyempre sa akin na lang yun. Yung relationship namin noon ay sa aming dalawa lang.

“Pero kung mayroon man akong big takeaway, kung mayroon man akong puwedeng baguhin sa mga nangyari, siguro wala akong babaguhin. Ganu’n talaga ako magmahal, sagad, inuubos ko ang sarili ko para sa isang tao, and hindi ako nagsisisi in the end.

“Magsisisi ka kasi malungkot, nakakalungkot, wala na yung tao. Pero sa kaloob-looban ko, alam ko na ibinigay ko ang lahat. I know I gave my best,” dagdag ni Jake.

Wala pa rin daw siya sa mga priorities niya ngayon ang magkadyowa, “Kumbaga, hindi ako gutom na maghanap ng bagong girlfriend, or maghanap ng pagmamahal.

“Ngayon, gusto ko lang isukli sa tao lahat ng pagmamahal na ibinibigay nila sa akin. My family, my fans, kayo, my directors and my producers who believe in me,” aniya.

“Magkaka-girlfriend din naman ako. Pero isa sa natutunan ko these past six months na lumipas, a very valuable thing na natutunan ko is to be happy being alone.

“To learn to be self-sufficient, to learn to make yourself happy. Mali na gawin kong responsibilidad ng ibang tao ang happiness ko. Kailangan sa akin manggaling yun, e. Even my mom says that to me, kailangan manggaling sa iyo,” mariing sabi ng binata.

“To be honest, wala pa ako sa mood. Nandu’n ako sa gusto kong bumawi sa pamilya ko. Gusto kong mag-provide, gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan.

“Gusto kong papasukin ang kapatid ko sa eskuwelahan na gusto niyang pasukin. Gusto kong sustentuhan ang pamilya ko kung kailangan nila ng pera. Nandu’n ako.

“Kasi, itong experience na ito, totoo naman yung assessment mo na this has been one of the hardest things that I have to go through in my entire life.

“But I made it through. Heto na ako ngayon, and I’m at my best, and pinepresenta ko sa inyo ang sarili ko mainly because of my family na talagang pinulot nila ako sa sahig,” sabi ni Jake.

Samantala, maraming nagsasabi na sigurado na ang pagkapanalo ni Jake sa MMFF 2022 bilang best actor dahil nga sa trailer pa lang ng “My Father, Myself” ay pinupiri na siya nang bonggang-bongga.

“Award? Ipagdarasal ko, that would be a dream come true for me. I just wanna come up with a good film na puwedeng panoorin ng lahat. As you can see, ang pelikula namin ay iba sa pelikula nila. Siyempre mainstream talaga yung sa kanila.

“Gusto ko lang i-stress yun na wala akong pressure na nararamdaman, ang nararamdaman ko ay talagang suwerte at grateful ka na nakapasok kami sa Metro Manila filmfest,” sey pa ni Jake.

Ang “My Father, Myself” ay mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Entertainment, sa direksiyon ni Joel Lamangan at sa panulat ni Quinn Carrillo. Kasama rin dito sina Dimples Romana, Tiffany Grey, at Sean de Guzman.

Jake Cuenca sa mga pinagdaanan sa buhay: Talo ka naman talaga if you don’t learn

Jake Cuenca sa netizen na nagsabing ‘lalaki naman jowain mo’: Pwede ka naming pagtawanan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Alonzo takot na takot kay Jake Cuenca: Iyak ako nang iyak hanggang dressing room

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending