Bea Alonzo takot na takot kay Jake Cuenca: Iyak ako nang iyak hanggang dressing room | Bandera

Bea Alonzo takot na takot kay Jake Cuenca: Iyak ako nang iyak hanggang dressing room

Reggee Bonoan |July 24,2022
facebook
share this

Bea Alonzo takot na takot kay Jake Cuenca: Iyak ako nang iyak hanggang dressing room

Reggee Bonoan - July 24, 2022 - 10:21 AM

Bea Alonzo at Jake Cuenca

KUNG sobrang natawa kami sa legit lie detector test episode ni Bea Alonzo sa kilalang vlogger na si Zeinab Harake ay sobrang nakyutan naman kami sa kanyang vlog kasama ang manliligaw niya noong si Jake Cuenca.

Kahapon ay in-upload na ang one-on-one interview ni Bea kay Jake sa kanyang YouTubr channel.

Tandang-tanda namin na kami ang unang nagsulat na may “something” sina Bea at Jake nang makita naming sinundo ng aktor ang aktres sa taping ng “Betty La Fea” noong Hunyo 16, 2008.

Aksidente lang namin silang nakita noon bandang alas-diyes nang gabi habang may kausap kami sa Grams Diner sa ELJ Building at napansin naming kakaiba ang kanilang body language, as usual, may malisya na naman kaming naisip.

May dalang script si Bea samantalang si Jake ay napadaan lang at nu’ng makita kami ay nagbulungan na parang sinabing, “may reporter.”

And the rest is history na nga at marami nang nagpaparating sa amin na sa Alabang Town Center sila nanonood ng last full show. Ito palang kasi ang sinehang hindi gaanong tinatao noon.

Anyway, unang tinanong ni Bea kung natatandaan pa ni Jake kung kailan sila nagkakilala at sinagot ng aktor na sa rehearsal ng “ASAP” (2006) at kakalipat lang niya noon sa ABS-CBN galing GMA 7.

Nice ba si Bea noon? “You’re nice,” nakangiting sagot ng binata.

“I’m always nice,” sabi naman ng dalaga.

“Have you ever sent me nude pictures?” sunod na tanong ni Bea kay Jake na kaagad namang sinagot ng ‘no.” At thumbs-up naman ang sinabi ni Claire ang polygraph expert mula sa Eye Spies.

Next question ay, “Have you ever forgotten a birthday, anniversary, or any important date?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Mabilis na sagot ni Jake, “Always! I’m bad with dates!” at thumbs-up ulit ang nakuha ng aktor.

Wala ring secret talent si Jake dahil, “Everything is out in the open.”

Inamin din ng binata na friends pa rin ang mga kapatid niya sa mga naging ex-girlfriends niya, “Yes, I think.” At nakakuha ulit ng thumbs-up ang aktor.

Pero bumagsak si Jake sa tanong kung, “Do you work well under pressure?” at natawa ang dalaga sabay hirit ng aktor, “I would like to think so.”

Inaming method actor siya at thumbs-up ang sagot.

At dito na nagkuwento si Bea, “Grabe totoo! Sa ‘Eerie’ (pelikula nina Bea at Charo Santos-Concio) guys, tinakot niya ako at nakatingin siya ng ganu’n (sabay muwestra).

“Iyak ako nang iyak hanggang dressing room. Tapos, nagpapaalam na siya sa akin wala na siya sa character niya hina-hug niya ako natatakot pa rin ako sa kanya,” pag-alala pa ng dalaga.

Dagdag naman ni Jake, “Naalala ko nu’ng in character ako tapos bubuksan mo ‘yung banyo tapos nasaktan ka, sabi ko, ‘sorry’ (nakakatakot na boses).”

Tawang-tawa si Bea sa senaryong ‘yun at sabi ulit ng aktor, “Multo tapos nag-sorry.”

Hindi nagsasabi ng totoo si Jake dahil sumagot siya ng “no” sa tanong ni Bea kung sa tingin niya ay mas magaling siyang aktor kumpara kina Ejay Falcon, Joseph Marco at Paulo Avelino dahil thumbs down ang sagot niya ayon sa test.

Pero aminado si Jake na mas magaling umarte sa kanya si Zanjoe Marudo at thumbs up ang sabi ng polygraph expert.

“Do you miss Lovi Poe?” at “no” kaagad ang sagot ng binata pero thumbs down ang sagot ng detector test. Tawang-tawa si Bea at depensa ni Jake, “Kasi naman may side question.”

Nagka-crush ba si Jake sa kasama niya sa “Pasion de Amor” na si Maxene Medina? “No” sambit ng binata at thumbs-up naman ang sabi ni Claire.

Hirit ni Bea, “Ay iba ‘yung nakarating sa akin.”

Sabay sabi ni Jake, “Iba crush ko no’n, eh. Ha-hahaha!”

Hindi rin itinanggi ng aktor na may mga nakaaway din siyang aktor noon sa showbiz at sabi ni Bea ay wala siyang nabalitaan.

Perfect naman ang score ni Jake sa sagot niyang may nakatrabaho na siyang co-actor na hindi niya gusto at never siyang nagpa-pack up ng taping.

Inamin din niya na may nasungitan na siyang fan, “Yes minsan may bad days. Minsan naglalakad kayo sa mall with your partner tapos biglang may magpapa-picture, so…” at thumbs up siya rito.

“Yes” kaagad ang sagot ni Jake sa tanong kung naniniwala siya sa love at first sight at thumbs up uli ang resulta ng polygraphic expert.

“Na-in love ka ba sa akin?” diretsong tanong ni Bea sa aktor.

“Wow! (nahiya bigla ang binata at nakayuko ng sumagot) ‘Yeah.” At thumbs up ulit ang resulta.

“Do you think it was a good decision that we decided to be just friends during the time na nag-date tayo before?” “At that time, no!” saad ng binata pero nag-lie siya kaya natawa nang husto ang aktres.

Thumbs-up ang nakuhang sagot ni Jake sa tanong kung noong bata ay umaakyat pa rin ng ligaw si Jake, “Yes and I’m still am.”

At saka ibinuking ni Bea ang mga ginawa sa kanya ng binata, “Kuwento ko lang tutal past naman na ito. Hindi kasi ako nag-prom, so nu’ng nagdi-date kami ni Jake, dinala niya ako sa isang restaurant sa Katipunan.

“Sinurprise niya ako kasi masyado siyang ma-gesture na guy.  Pagdating namin sa Ninyo (Fusion Cuisine along Esteban Abada) ayaw magbukas ng gate, so ginawa niya, nagpaka-action star, umakyat siya sa gate, e, mataas ‘yung gate at binuksan niya.

“Pinasarado pala niya ‘yung restaurant ang daming mga flowers tapos nag-dance-dance pa kami ganu’n. Ganu’n siya ka-sweet na manliligaw,” ani Bea.
“Thank you,” sabi kaagad ng aktor.

Dagdag ng aktres, “Kaya talagang he’s really a good catch.”

Pawang thumbs-up din ang nakuhang score ni Jake sa sagot niyang nasubukan na niyang ma-friendzone at never niyang ginawa naman ito dahil ang katwiran niya, “I’m just clear with my intentions.”

Wala ring dapat ihingi ng apology si Jake sa mga naging ex niya at friends niya ang lahat ng naging ex-girlfriends niya at thumbs up siya rito.

Napa-wow naman ang binata sa tanong na, “Do you still want to get back with an ex-girlfriend?”

“I haven’t, I’m not done that but yeah,” tugon ng aktor at thumbs up ang score niya.

Nag-make face si Bea at sabay sabing, “Hmmmm, naiiyak ako.”

Nawala naman ang antok namin (3 a.m.) habang sinusulat namin ang balitang ito sa reaksyon na ito ng aktres, ano kaya ang ibig niyang sabihin?

Nahuli naman si Jake na nagla-lie sa sagot niyang hindi siya selosong boyfriend kaya nagkatawanan ang dalawa.

“Have you ever caused someone’s heart break?” at “yes” ang sagot ni Jake na pinapa-expound ni Bea pero tumanggi na ang aktor.

“One day? Yes!” ang sagot ng binata sa tanong ni Bea na “are you ready to give up your career for the sake of your lovelife?” at nag-thumbs up ang polygraph expert.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin din niya na hindi pa siya handang maging daddy sa ngayon pero kung magkakaroon daw ay gusto niya ng isang anak lang.

Jake Cuenca sa netizen na nagsabing ‘lalaki naman jowain mo’: Pwede ka naming pagtawanan

Jake Cuenca ‘malas’ daw sa babae, pero naniniwala pa rin sa love: I’ve never regretted loving someone

Jake Cuenca walang panahong magpakasenti sa paghihiwalay nila ni Kylie Verzosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending