Lovi Poe wasak ang puso para sa mga biktima ng wildfire sa L.A.

Lovi Poe wasak ang puso para sa mga biktima ng wildfire sa L.A.

Ervin Santiago - January 14, 2025 - 01:09 PM

Lovi Poe wasak ang puso para sa mga biktima ng wildfire sa L.A.

PATULOY na ipinagdarasal ng Kapamilya actress na si Lovi Poe ang lahat ng naapektuhan ng mapaminsalang wildfire na nangyari sa Los Angeles, California.

Nagbahagi si Lovi ng update sa malawakang pagkasunog ng napakalaking bahagi ng Los Angeles na nagresulta sa pagkawala at pagkaabo ng napakaraming ari-arian at pag-evacuate ng daan-daang residente.

Nasa Amerika ngayon ang premyadong aktres para sa mga natanguan niyang commitments doon kaya naman ramdam na ramdam niya ang epekto ng naturamg kalamidad.

Baka Bet Mo: Lovi Poe lelebel kay Angelina Jolie sa ‘Tomb Raider’; magpapaka-FPJ!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon sa ulat, ang nagaganap na Palisades Fire ngayon ay sinasabing mas destructive kesa sa nangyaring Sayre Fire noong 2008.

Patuloy pa rin ang mga bumbero sa pagpatay ng apoy sa mga apektadong lugar.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Lovi ang ilang lugar na naapektuhan ng sunog pati na ang mga helicopter na umiikut-ikot sa ilang bahagi ni Los Angeles.

“The fires have hit LA hard, and it’s tough seeing so much loss. I’ve been watching the sky and hearing helicopters flying back and forth…

“In times of devastation, like the one we’re witnessing, it’s hard to find the right words,” aniya pa.

Hindi man direktang naapektuhan ng kalamidad, nagparating pa rin ng pakikisimpatya ang aktres sa mga nasunugan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Though the road ahead is tough, the community is coming together—helping, supporting, and showing up for one another. It’s a reminder that even in the hardest times, we’re never alone.

“Even in the darkest times, the city will rebuild and shine again, stronger than before,” mensahe pa ni Lovi.

Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang post ni Lovi kasabay ng pangakong patuloy nilang ipagdarasal ang buong Los Angeles at nawa’y malagpasan ng mga ito ang dumating na pagsubok sa kanilang buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending