Jake Cuenca, Kylie Verzosa hiwalay na raw, totoo nga kayang dahil sa sobrang selosan? | Bandera

Jake Cuenca, Kylie Verzosa hiwalay na raw, totoo nga kayang dahil sa sobrang selosan?

Reggee Bonoan |April 19,2022
facebook
share this

Jake Cuenca, Kylie Verzosa hiwalay na raw, totoo nga kayang dahil sa sobrang selosan?

Reggee Bonoan - April 19, 2022 - 11:42 AM

Jake Cuenca at Kylie Versoza

MUKHANG may bahid ng katotohanan ang natanggap naming balita na hiwalay na si Jake Cuenca at ang girlfriend nitong si 2016 Miss International Kylie Versoza.

Ito’y ayon mismo sa isang taong nakausap namin na malapit sa dalawang celebrity. Aniya, first week of March pa raw nag-break sina Jake at Kylie.

Tsika ng aming source, mutual ang desisyon nila na magkanya-kanya muna na ang ibig sabihin ay kailangan nilang magpahinga muna dahil sa tuwing magkasama raw sila ay palaging nagkakapikunan at nauuwi sa hindi magandang usapan.

Tinanong namin kung ano talaga ang tunay na dahilan ng breakup dahil sa tingin namin ay okay sina Jake at Kylie, kapag parehong libre ang oras nila ay nasa out of town sila para mag-unwind.

“Totoo naman na nag-a-out of town sila kasi kailangan nilang mag-catch-up dahil pareho silang busy, laging nasa lock-in shoot, lalo na si Jake. May ginagawang international film. Si Kylie ganu’n din,” tsika ng kaibigan ng dalawa.

Binanggit namin na isa raw sa dahilan ng gusot ay ang pagiging selosa ni Kylie at napangiti lang ang kausap namin, “Si Jake kasi pagod after ng lock in niya gusto niyang magpahinga, gusto niyang mag-solo, mag-isip.

“Siyempre si Kylie nami-miss siya, so, nangungulit na magkita sila. E, sabi ni Jake, pahinga muna siya.  So, parang may iringan na,” tsika pa sa amin.

Nalaman din namin na ang pagiging selosa ni Kylie ang pinakaayaw ni Jake dahil katwiran niya hindi na siya katulad ng dati na mahilig gumimik at mas type na lang nitong mag-stay sa bahay o makasama ang ilang friends at chill-chill lang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


“Parang hindi gets ni Kylie ‘yun.  Hindi na kasi sila magkasama ni Jake sa bahay, dati magkasama during the pandemic, kasi lockdown. Parang inamin yata ni Kylie di ba, na magkasama sila. E, ngayon hindi na, so feeling niya may iba si Jake,” kuwento pa ng aming source.

Oo, inamin nga ni Kylie na magkasama sila ni Jake sa condo unit nito sa mediacon ng Viva series na “Ghost Adventure” taong 2020 dahil kami mismo ang nagtanong at hindi naman niya ito itinanggi dahil nga na lockdown sila.

In fairness, pareho pang pina-follow nina Jake at Kylie ang isa’t isa sa Instagram, ‘yun nga lang ang huling post ng aktor na kasama niya ang dalaga ay noong Marso 23 para sa isa niyang sponsor pero sweet naman sila noong Valentine’s Day sa isang beach.

Wala naman kaming nakitang bagong post si Kylie na magkasama sila ni Jake at ang nabasa naming huling komento ng aktor ay sa post ng aktres noong Marso 25 para pa rin sa isang sponsor ad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nitong buong Abril ay wala na kaming nabasang komento si Jake sa mga magaganda at sexy photos ni Kylie. Bukas ang BANDERA para sa paliwanag ng magkarelasyon hinggil sa balitang ito.

Kylie alam na alam kung paano pakakalmahin si Jake: Kailangan mo lang siyang pakainin…

Kylie alam na alam kung paano pakakalmahin si Jake: Kailangan mo lang siyang pakainin…

Jake Cuenca pumayag nang gumanap na tatay sa serye; kinarir ang pagiging ‘politiko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending