Laplapan nina Coco at Ivana tinalbugan ang viral halikan nina Alden at Julia | Bandera

Laplapan nina Coco at Ivana tinalbugan ang viral halikan nina Alden at Julia

Reggee Bonoan |September 14,2023
facebook
share this

Laplapan nina Coco at Ivana tinalbugan ang viral halikan nina Alden at Julia

Reggee Bonoan - September 14, 2023 - 12:09 PM

RUNNING joke ng mga tagasubaybay ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung ang pakikipag-kissing scene raw ba ni Coco Martin kay Ivana Alawi ang sagot sa maiinit na halikan nina Julia Montes at Alden Richards?

Hanggang sa naging topic na rin ito nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa radio program nilang “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 TRUE FM kahapon.

Pero ipinagtanggol ito ng dalawang host na trabaho lang ang ginagawa nina Coco at Julia kaya’t naniniwala silang walang selosan tungkol dito.

Anyway, bukod sa napakagandang 5-minute trailer ng “Batang Quiapo” na ipinakita last week para sa mangyayari ngayong linggo ay umani ito ng mahigit sa 10 million views kaya naman nitong Lunes, Setyembre 11, ay nagtala ang programa ang pinakamataas na viewership sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Baka Bet Mo: Coco Martin game na game na nagpa-selfie sa Pinoy fans sa Italy: ‘Hindi tulad ng 2 artista diyan na dedma at dire-diretso lang’

Nakakuha ng all-time high record na 478,297 live concurrent viewers ang “BQ” nitong Lunes at naniniwala ang management na dahil ito sa eksenang ginamot at nagkita sina Tanggol played by Coco at Bubbles na karakter ni Ivana.

Ang inaabangan mamayang gabi hanggang bukas, Biyernes ay ang kissing scene nina Tanggol at Bubbles dahil talagang bigay na bigay ang dalawa tulad din ng nangyari sa kissing scene nina Coco at Lovi Poe as Mokang.

Isa pang inaabangan ay ang pagkamatay ni McCoy De Leon bilang si David dahil nga nabuking na ni Christopher de Leon na hindi niya ito anak dahil sa pagkikita nila ni Tanggol sa Quiapo na kahalikan ang asawang si Mokang.

Viral kasi ang behind the scenes video ni McCoy na humiga siya sa kabaong dahil nga binaril siya ni Ramon/Albert sa galit nitong naloko siya.

Narinig naming komento sa video ay magbubunyi na raw ang mga galit kay David dahil sa sama ng ugali nito at tama lang na mawala na siya sa pamilya Dimaguiba.

Ang tanong naman ng supporters ni Yukii Takahashi as Camille ay mawawala na rin kaya siya sa kuwento kapag nawala na ang dyowang si David o mananatili siya dahil nga magkakaanak sila.

“Naku, e, depende kay Direk Coco kung ano ang kapupuntahan ng kuwento nila ni David,” say ng isang taga-ABS-CBN sa amin.

Related Chika:

Kim Molina, Jerald Napoles payag bang mag-frontal nudity sa halagang P5-M?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Halikan nina Daniel at Kathryn sa ‘2 Good 2 Be True’ trending; KathNiel fan napagalitan ng nanay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending