Halikan nina Daniel at Kathryn sa '2 Good 2 Be True' trending; KathNiel fan napagalitan ng nanay Bandera

Halikan nina Daniel at Kathryn sa ‘2 Good 2 Be True’ trending; KathNiel fan napagalitan ng nanay

Alex Brosas |July 18,2022
share this

Halikan nina Daniel at Kathryn sa ‘2 Good 2 Be True’ trending; KathNiel fan napagalitan ng nanay

Alex Brosas - July 18, 2022 - 07:27 AM

KILIG at pighati ang naramdaman ng viewers nitong Huwebes (Hulyo 14) sa “2 Good 2 Be True”nang nawala na parang bula si Eloy (Daniel Padilla) at iniwanan si Ali (Kathryn Bernardo) matapos niya itong halikan dahil kinailangan na niyang takasan ang mga pulis na naghahanap sa kanya.

Todo kilig ang netizens sa halikan nina Kathryn at Daniel, kaya naman naging trending sa Twitter ang episode. Muling nanguna ang serye sa Top 10 list ng TV series at movies sa Netflix Philippines at sa Top 10 shows ng iWantTFC.

Hinihiling nga ng fans na ibagsak na ang bagong episodes dahil nabibitin sila sa kilig gabi-gabi.
Paganda rin nang paganda ang kuwento.

Tinutugis na nga ng pulis si Eloy matapos lumabas ang warrant of arrest nito tungkol sa pagnanakaw niya ng pera kay Tara (Jenny Miller). Minadali nga ni Helena (Gloria Diaz) ang kaso ng binata nang nalaman niyang nakapasok ito sa buhay ng kuya niyang si Hugo (Ronaldo Valdez).

Nalaman na rin ng viewers na si Helena pala ang dahilan kung bakit nakulong ang ama ni Eloy na si Fred (Romnick Sarmenta). Ngunit palaisipan pa rin sa mga ito kung bakit tila mainit ang dugo niya kay Fred at Eloy.


Sa kabilang banda, tila naguguluhan si Ali sa ginawang pagtakas ni Eloy. Iniisip tuloy niya kung totoo ba ang ipinakita nito sa kanyang kabaitan o pawang kasinungalingan pala.
Nag-trend nga ang #2Good2SayGoodbye at #2G2BT Heartstopper sa Twitter nitong Huwebes ng gabi.

“Excited na ko for friday grabeee po ang ganda talaga ng takbo ng kwento napakagaling naman nila direk mae at mga writer ng 2 Good 2 Be True,” saad @knbelus.

Komento ni @mszfangirl_fhel, “Mixed emotions. Kilig, saya, at sakit. Grabe din ung pasabog at ung twists ng palabas na to kudos sa bumubuo! ang galing galing lang talaga. nakakaexcite pa lalo ung mga susunod na episode starting tomorrow.”

Labis na kilig at saya naman ang naramdaman ni @chee_lks1 sa accidental kiss nina Eloy at Ali, “Napasigaw ako sa scene na to nagulat talaga ako. Grabe yung sigaw ko dito napagalitan pa ako ni mother dear.”

Dapat ngang abangan ng manonood kung paano kaya malulusutan ni Eloy ang kaso. Matulungan kaya siya ni Lolo Hugo? Maniwala pa kaya sa kanya si Ali? Magtagumpay kaya si Helena sa pagpapakulong sa binata?

Patuloy na napapanood ang advance episodes ng “2 Good 2 Be True” sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

* * *

Hindi nasayang ang effort ng “It’s Showtime” dahil hindi lang pinag-usapan sa social media ang back-to-back programming nila ng “Lunch Out Loud,” nag-top trending topic pa sila sa Twitter last Saturday.

Talagang pinag-usapan ng netizens ang pagbabalik sa free TV ng nasabing noontime show ng ABS-CBN. Marami ang nanabik sa kanilang comeback sa TV kaya naman inaasahang mataas na rating ang aabutin nito.

At dahil nag-trending topic sila sa social media, ang daming nag-react na netizens, all of them ay very welcoming sa nasabing noontime show.    

“Congrats showtime for ever kau na ang SAKALAM.”

“At last after two years nakapanood na din aq ng it’s showtime sa free tv.. congratulations it’s showtime family.”

“It’s showtime ako forever cla vice lng sakalam.”

“Yes bumalik na ang Showtime may buhay na ang television. Simula kasi nawala Ang showtime nag laho ang energy ng lahat ng tao.”

“Sobrang ganda na ng it’s showtime bongang bonga malaki na Rin Ang stage may audience na sila.”

Kathryn, Daniel da best na role model sa mga kabataan; matulungin, marespeto, magaling makisama sa mga katrabaho

Carmina game na game sa landian, halikan scene nila ni Michael Agassi sa ‘Widow’s Web’; Direk Jerry may ibinuking

Hugot ni Daniel: Huwag masyadong magpaapekto sa nakaraan, dapat matuto kang mag-move on

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending