Ivana Alawi pinaiyak si Mona, binilhan ng mamahaling sasakyan worth PHP1.6 million | Bandera

Ivana Alawi pinaiyak si Mona, binilhan ng mamahaling sasakyan worth PHP1.6 million

Therese Arceo |September 10,2023
facebook
share this

Ivana Alawi pinaiyak si Mona, binilhan ng mamahaling sasakyan worth PHP1.6 million

Therese Arceo - September 10, 2023 - 06:32 AM


Ivana Alawi pinaiyak si Mona, binilhan ng mamahaling sasakyan worth PHP1.6 million

TALAGANG napa-“sana all” ang madlang netizens matapos regaluhan ni Ivana Alawi ng mamahaling sasakyan ang bunsong kapatid na si Mona Alawi.

Sa kanyang latest vlog na uploaded noong Martes, September 5, isang prank ang inihanda ng dalaga para sa kapatid bago nito ibigay ang kanyang mamahaling regalo.

Sa katunayan, planadong planado ni Ivana ang lahat at kakuntsaba rin niya ang kanyang buong pamilya.

At para nga raw hindi mag-isip o maghinala si Mona ay nag-vlog na siya ng celebration nila ng kanyang birthday sa HongKong noong kumain sila sa mamahaling restaurant.

“Kasi ma-o-obvious niya e kung hindi kami nag-vlog ng birthday niya. Sasabihin niya, ay, may plano yata ‘tong babaeng ‘to,” saad ni Ivana.

Pagkatapos ay ikinuwento na ng Kapamilya actress ang kwento sa likod ng pagbili niya ng Ford Territory na nagkakahalaga ng PHP1.6 million.

“May chine-check siyang (Mona) kotse. Ito nga yung Ford Territory. Yun, gustung-gustong niya iyan pero ipon daw siya.Naisip ko, bilhin na lang natin tapos ibigay natin kasi sobrang deserve niya, guys. She’s studying hard, di ba. Nilalampasan niya yung sakit niya, and she’s fighting hard,” kuwento ni Ivana.

Mensahe pa niya, “I love you, Moana. Happy birthday! Sorry mamaya, papaiyakin kita.”

Baka Bet Mo: Ivana handang ubusin ang pera para gumaling ang kapatid: Umiiyak na lang ako, sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’

Bandera IG

Ang plano ni Ivana ay kunyari may mababangga silang driver at magkakaroon ng komosyon sa pagitan nila.

Sa una ay ok pa si Mona ngunit nang makita na niyang nakikipag-away ang kanyang ate ay nakaramdam na siya ng takot at kaba na mahahalata sa kanyang mukha.

Umabot pa ang aktingan kung saan makikitang sinisingil ng nabanggang driver si Ivana ng P200,000 para sa damages ng sasakyan ngunit naging pabalang ng sagot ng dalaga.

Nang lumalala na at talagang nagwo-worry na si Mona ay ibinunyag na nila na isang prank lang ang nangyayari.

Matapos nito ay tuluyan nang bumuhos ang luha ng bunsong kapatid ni Ivana.

“Akala ko kasi susugurin mo [Ivana] na si kuya,” saad niya habang umiiyak.

Dagdag pa niya, “Hindi ko alam ano gagawin ko. Hindi ko alam.”

Doon na sinabi ni Ivana na ang kotseng nabangga nila ay para talaga kay Mona ay props lang ang gasgas nito.

Hindi naman makapaniwala ang dalaga sa regalo sa kanya ng ate niya at nahihiya pa nga itong tanggapin ito.

“Ayoko ate… Sobra-sobra siya. Parang hindi ko alam paano tanggapin. Ewan ko anong ginawa ko to deserve you guys. It’s too much,” sabi pa rin niya habang umiiyak.

Sagot naman ni Ivana, “Girl, ang ginawa mo lumabas ka sa world na ito. Lahat kami napapasaya mo sa ngiti mo at sa iyak mo.”

Matatandaang noong Agosto nang ipagdiwang ni Mona ang kanyang kaarawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ivana Alawi ‘bumili’ ng luxury car sa halagang P11.5-M, ina galit na galit: Pwede n’yo pang isauli yan!

Ivana Alawi sinorpresa ng bahay at lupa ang ina at bunsong kapatid: I’m so happy kasi matutupad ‘yung isa sa dream ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending