Kim Molina, Jerald Napoles payag bang mag-frontal nudity sa halagang P5-M? | Bandera

Kim Molina, Jerald Napoles payag bang mag-frontal nudity sa halagang P5-M?

Ervin Santiago |August 12,2021
facebook
share this

Kim Molina, Jerald Napoles payag bang mag-frontal nudity sa halagang P5-M?

Ervin Santiago - August 12, 2021 - 08:54 AM

Kim Molina at Jerald Napoles

USUNG-USO na ngayon sa mga digital movies ang walang takot na paghuhubo’t hubad ng mga artista.

Matatapang at palaban na sila pagdating sa pagpapakita ng kanilang mga katawan at game na game talaga sa halikan at matitinding love scenes.

Kabilang na nga riyan ang real life celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles na ayaw ding paawat sa paggawa ng kontrobersyal napapanahong mga pelikula.

Bibida uli ang magdyowa sa latest action-drama ng Viva Films na “Ikaw At Ako At Ang Ending” kung saan may mga ginawa silang maiinit na eksena base na rin sa viral trailer nito.

Ayon sa KimJe, lahat ng ipinagawa sa kanila ni Direk Irene Villamor ay hindi nila inurungan pati na ang mga laplapan at sex scenes. Pero siyempre, may limitations pa rin naman sila pagdating sa paghuhubad.

Sa nakaraang virtual mediacon ng pelikula, tinanong namin sina Kim at Jerald kung magkakaroon ng magandang offer pero kailangang may frontal nudity, papayag ba sila?

“Actually, hindi ko masasagot, pero sa ngayon, hindi. Kasi ano yan, e, sa 10 pelikula may isa lang diyan ang kailangang mag-frontal. So may siyam pa, doon muna ako sa siyam,” sagot ni Jerald.

Sey naman ni Kim, “Sa nangyayari po sa mundo, ang magulang ko po ay malayo, ayoko na pong dagdagan ang maiisip ng tatay ko, hindi ko na lang po gagawin,”

“Ayaw ko pong bigyan ng sakit ng ulo ang tatay ko, so hindi pa po natin kailangang…tsaka parang hindi rin gugustuhin ng audience,” natatawang chika pa ng aktres.

Sundot na tanong namin, paano kung malaki ang talent fee, sabi ni Kim kahit daw P5 million pa ang ibayad sa kanya ay hindi pa rin niya gagawin.

Pero hirit ng aktres, “Kung P55 million, magpapaalam muna ako sa tatay ko!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Ikaw at Ako at Ang Ending” globally sa mga streaming platforms na ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa VIVAMAX sa Aug. 13.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending