Rita Avila inalala 18th b-day ng yumaong anak, may handaan pa

Rita Avila inalala 18th b-day ng yumaong anak: ANGELS LIVE FOREVER!

Ervin Santiago - November 12, 2024 - 12:35 AM

Rita Avila inalala 18th b-day ng yumaong anak: ANGELS LIVE FOREVER!

Rita Avila at Elia Jesu

GINUNITA ng seasoned actress na si Rita Avila ang 18th birthday ng kanyang yumaong anak na si Elia Jesu nitong nagdaang November 10.

Ibinahagi ni Rita sa kanyang Instagram page ang litrato ng panganay sana niyang anak na namatay matapos sumailalim sa heart surgery, wala pang isang buwan mula nang ipanganak.

“Today marks the 18th birthday on earth of my angel son, Elia Jesu. Nu’ng itinabi ang urn ng mom ko sa urn niya sa crypt, napaka-CUTE pala sa liit ng urn!” ang bahagi ng inilagay niyang caption sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Pamilya Poe ginunita ang ika-83 kaarawan ni FPJ; Brian Llamanzares inialay ang pagtatapos kay ‘Lolo’

Dugtong pa niya, “Marahil ay lutang ako nu’ng inilibing noon si Jesu kaya hindi ko maalala.

“Ngayon, lutang na ako sa saya dahil pribilehiyo ang magka-anak ng tunay na anghel sa langit,” mensahe pa niya.

Naalala pa raw ng aktres ang sinabi sa kanila ng paring nag-offociate ng funeral mass para sa kanyang anak.

“Sa misa nu’ng libing ng anak ko, ang sabi ng pari ay: We don’t pray FOR Jesu; we pray TO Jesu for he is with God already. He can help us with our prayers,” sabi pa ni Rita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)


Sa isa pang IG post ni Rita makikita ang napakaraming pagkain na inihanda nila para sa ika-18 kaarawan sana ng kanyang anak.

“Para sa 18th bday ni Angel Jesu, nagluto ang Ate Kate nya ng Kare-Kare, nagpabili ang Itay FMR nya ng pancit Palabok, nagpadala ang kanyang Tito Ovel at Tita Heidi ng pancit Canton, nag-order kami shempre ng masarap na crispy Pata k Papa Ovel. Gumawa ako ng Tocino Spaghetti. (wala lang pic).

“2 pancit noodles + spaghetti noodles = siguro naman sobrang long life ang angel natin ano? Hehehe. #fact.”

Matatandaang sinabi ni Rita noon sa isang panayam na itinuturing nila ng kanyang asawang si Direk FM Reyes na isang “miracle baby” su Jesu na ipinangalan sa American filmmaker na si Elia Kazan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paboritong director daw ni Direk FM si Elia Kazan habang ang Latin word namang Jesu at mula sa pangalan ni Jesus Christ.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending