FAMAS boldyak din kay Rita: Inimbita ka, ikaw pa magbabayad?

FAMAS boldyak din kay Rita: Inimbita ka, ikaw pa magbabayad ng meal mo?

Ervin Santiago - May 28, 2024 - 12:45 PM

FAMAS boldyak din kay Rita: Inimbita ka, ikaw pa magbabayad ng meal mo?

Rita Avila at Eva Darren

BAD trip din ang seasoned actress na si Rita Avila sa ginawang pambabastos daw ng FAMAS sa veteran star na si Eva Darren.

Hindi rin napigilan ni Rita ang kanyang sarili na maglabas ng pagkairita at pagkabwisit sa nangyari kay Eva Darren sa ginanap na FAMAS Awards Night nitong nagdaang Linggo, May 26.

Ayon kay Rita, hindi makatarungan ang ginawa ng naturang award-giving body sa beteranang aktres kaya naiintindihan niya ang hinaing ng anak nitong si Dr. Fernando de la Pena.

Baka Bet Mo: Veteran actress Eva Darren binastos daw sa FAMAS awards, anak umalma

Kinuwestiyon din niya ang naging public apology ng FAMAS at ang paliwanag nito sa pagkakatanggal ni Eva Darren sa listahan ng presentors.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)


Idinaan ng aktres sa Facebook ang kanyang pakikisimpatya kay Eva Darren at sa nasaktang pamilya nito.

“The feelings of Ms. Eva Darren and family are understandable. Totoo naman!
I am glad that her son posted about it.

“And I agree a 100% to the comments that said: ‘Inimbita ka, ikaw pa magbabayad ng meal mo?'” ang simulang himutok ni Rita Avila.

Pagpapatuloy pa niya, “Nananahimik ka tapos iimbitahin ka, gagastos ka mula sa damit, make up, gasolina hanggang sa pagkain mo para ano? Para sa NINGNING?

Baka Bet Mo: Rita Avila ibinandera ang sikreto kung paano napananatili ang ganda: Alagaan ang sarili

“Si Ms. Eva Darren ay pumunta DEFINITELY hindi para sa NINGNING pero dahil NIRESPETO nya ang imbitasyon. NIRESPETO BA SHA?” sabi pa ng aktres.

Nabanggit din ni Rita ang karaniwan daw na nangyayari sa mga presscon kung saan dinededma raw at hindi iniinterbyu ng mga reporter ang ilan sa mga artistang naroon

“Kahit naman sa mga MEDIACON/PRESSCON, invited ang cast, nagbihis, nag-ayos, gumastos sa gasolina para lang magmukang tanga ang marami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)


“Mga bida naman ang gustong interviewhin ng press eh di sana mga bida na lang ang mag-attend di ba?” ang hugot ni Rita.

Mensahe pa niya sa lahat ng nasa entertainment industry, “Dapat sa showbiz eh tayo ang mag-alagaan sa isa’t isa. Tayo ang magbigay respeto sa isa’t isa. Tayo ang magbigay dignidad sa isa’t isa.”

Sa comments section naman ay ipinagdiinan ni Rita na hindi siya kuntento sa paliwanag ng FAMAS organizers kung bakit hindi na nakapag-present si Eva Darren para sa isang kategorya.

“Wala sa photo ng Presenters c Ms. Eva pero inimbita nila at pinag-memorize ng script; ano yun?

“Tapos ang excuse ay di makita si Ms. Eva. Ano yun?!!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung presenter sha, may naka bantay na sa kanya mula sa pagdating nya dahil dapat alam na kung SAAN sha NAKA-UPO para pag malapit na ung part nya, madali shang tatawagin,” ang sabi pa ni Rita Avila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending