Rita Avila ibinandera ang sikreto kung paano napananatili ang ganda: Alagaan ang sarili | Bandera

Rita Avila ibinandera ang sikreto kung paano napananatili ang ganda: Alagaan ang sarili

Therese Arceo |April 19,2023
facebook
share this

Rita Avila ibinandera ang sikreto kung paano napananatili ang ganda: Alagaan ang sarili

Therese Arceo - April 19, 2023 - 04:18 AM

Rita Avila ibinandera ang sikreto kung paano napananatili ang ganda: Alagaan ang sarili
IBINANDERA ng aktres na si Rita Avila ang kanyang tila walang pinagbagong litrato sa social media na kuha noong 1987 at ngayong 2023.

Marami sa mga netizens ang namangha dahil napanatili ng aktres ang kanyang kagandahan.

“A photo from ‘That’s Entertainment’ variety show and from ‘Hearts on Ice’. 36 years apart. God made this possible. Thank You,” saad ni Rita.

Pagpapatuloy niya, “Thanks to everyone on earth too. The good & the bad, the happy & the sad, the highs & the lows… the biggest picture, only God knows.”

Sa comment section ay ibinahagi naman ni Rita ang kanyang sikreto sa pagpapanatili ng tila hindi tumatandang mukha.

“Salamat sa inyong lahat. Ang babait ninyo thank you.

“Secret? Inom ng maraming tubig, wag masyado sa araw, matulog nang maayos, maging malinis sa katawan, moisturize, massage face gently, paderma, mag-donate ng dugo, mag-exercise o walking, green tea, vitamins, magbasa ng magandang libro (the brain needs an exercise too),” sey ni Rita.

“dalin ang problema nang mabuti kasi sa balat nagmi-meet ang panloob at panlabas na epekto ng lahat ng iniisip at ginagawa natin,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Rita Avila pinasisingit sa pila ng taga-airport: ‘Pero hindi kami pumayag, mana kami kay Atty. Leni Robredo’

Sa isa pang Instagram account ay ibinahagi niya ang pananaw sa pagpapa-botox at ang mas mabisang paraan para mapanatiling fresh ang itsura.

“BOTOX? Eto ang sasabihin ko sa inyo, pwede shang makaganda pero pwede rin shang makapangit. Ang SIYENSIYA pwede naman talaga makaganda. Pero pwede ring may mas pumangit. #risks,” sey ni Rita

Kaya matinding payo niya sa lahat, lalo na sa mga babae, “Alagaan ang sarili. Ikaw lang ang makakapag-alaga sa iyo sa paraan na gusto mo.”

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang post ni Rita.

“Very proud ako pag sinasabi ng mga friend ko nuon at mga nakakakita sa akin na hawig ko daw kau idol…Pero para sa akin ay di naman totoo..Kasi nung kabataan kopa yun…Pero super proud,aba napakaganda mo kaya idol ko,” saad ng isa.

Chika naman ng isa, “last week po maam Rita Avila napanaginipan kita nameet daw po kita sa personal at ang usapan natin ay about sa mga aso at nabanggit nyo pa yung dog nyo na nasa heaven na at subrang mahal na mahal nyo po… tuwang tuwa ako na sa panaginip eh nakausap ko kayo hehhehe.”

“Maganda ka khit my make up at Wala.happy life Lang sekreto.lagi kang maganda kasi,” hirit naman ng isa.

Related Chika:
Rita Avila dismayado sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni: Parang ayaw mo nang pasagutin…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rita Avila nag-reach out kay Boy Abunda ‘out of decency’, nangakong irerespeto ang isa’t isa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending