Rita Avila pinasisingit sa pila ng taga-airport: 'Pero hindi kami pumayag, mana kami kay Atty. Leni Robredo' | Bandera

Rita Avila pinasisingit sa pila ng taga-airport: ‘Pero hindi kami pumayag, mana kami kay Atty. Leni Robredo’

Ervin Santiago |March 08,2023
facebook
share this

Rita Avila pinasisingit sa pila ng taga-airport: ‘Pero hindi kami pumayag, mana kami kay Atty. Leni Robredo’

Ervin Santiago - March 08, 2023 - 07:07 AM

Rita Avila pinasisingit sa pila ng taga-airport: 'Pero hindi kami pumayag, mana kami kay Atty. Leni Robredo'

Rita Avila

PURING-PURI ng mga netizens ang aktres na si Rita Avila matapos  magkuwento tungkol sa naging karanasan niya sa airport kamakailan lamang.

Sa kanyang Facebook post last Monday, March 6, ibinahagi ni Rita sa kanyang followers na may isang staff sa airport na nagsabi sa kanya na pwede na siyang mauna sa pila.

Ngunit, ayon sa aktres na muling mapapanood sa teleserye ng GMA 7 na “Hearts On Ice” nina Xian Lim at Ashley Ortega, hindi siya pumayag at agad itong tinanggihan.

Pagbabahagi ni Rita, “Nagmagandang loob yung taga-airport. Pinapaalis kami sa pila para mauna na kami.

“Hindi kami pumayag. Mana kami kay Atty. @lenirobredo eh, pila kung pila,” sabi pa niya.

Dagdag na paalala ni Rita, “Ganyan dapat ang mga Pilipino, may DISIPLINA at nasa TAMA. Hindi yung pasaway, singitan, unahan. Nakakahiya.”

Nag-post din ang aktres sa Instagram tungkol dito. Aniya, “Ang TUNAY na pagmamahal sa bansa ay ang alagaan ito sa pamamagitan ng pagiging disiplinado, malinis sa kapaligiran at sumusunod sa mga tuntunin.

“Katotohanan namang modelo si Atty. Leni sa pagsunod at pagiging simple. Wag na masamain dahil walang masama sa isang tama ang ginagawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)


“Ayusin natin ang ating mga sarili bilang Pilipino. Tayo rin naman ang tutulong sa ating mga LIDERS ngayon sa pamamagitan ng ating sariling sikap. Suporta sa kanila ay kailangan lalo’t ikabubuti ng mga Pilipino ito.

“Lahat tayo (pula, pink o neutral) ay may PAKIALAM sa ating bansa, sa ating sariling kaayusan at sa ating kapwa.”

Baka Bet Mo: Rita Avila dismayado sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni: Parang ayaw mo nang pasagutin…

Sunud-sunod naman ang magaganda at positibong komento ng mga netizen at halos lahat ay um-agree sa sinabi ng isang FB follower ni Rita na, “The design is very Atty. Leni Robredo.”

“Salute po ako sainyo kagya ninyo si Mr Edu Manzano nakasabay ko sa flight may nauna sa knya sabi ni Mr Manzano sumusunod sya sa pila.nsa likuran nya ako kya narinig ko ang sinabi.proud ako sainyo 2.”

“Salute you cuz! Syang Tama kc unfair naman sa mga nauna sa pila.”

“Ako nga dmi ko pinasingit s unahan ko kc maleleyt n sa flight di bale skin may time p. Ung nsa likod ko sbi te wag kn magpasingit ihing ihi nko hahaha.”

“I do that Rita. Kasi gusto ko makita ng mga anak ko pano mamuhay ng fair sa kapwa even in little things. Hindi man perfect pero araw araw kung sinasabuhay.”

“Hindi tayo mga feeling entitled for vip treatment more power and enjoy your trip maam rita.”

“Yan ang Kakampink! Galawang matino at tapat. Mabuhay po Ma’am!”

Ilan lang yan sa mga komento ng netizens sa patas na paglaban ng aktres sa buhay.

Mensahe naman ni Rita sa mga netizens, “Salamat sa inyo. Dapat maayos tayong mga Pilipino kahit saan pang bansa pumunta.”

Joshua Garcia na-feature sa TikTok video ni Bella Poarch, sey ng netizens: May sumingit sa pila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Leni Robredo na-conscious kay Piolo, sey ng netizens: May pila po madam!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending