Joshua Garcia na-feature sa TikTok video ni Bella Poarch, sey ng netizens: May sumingit sa pila! | Bandera

Joshua Garcia na-feature sa TikTok video ni Bella Poarch, sey ng netizens: May sumingit sa pila!

Therese Arceo |April 16,2022
facebook
share this

Joshua Garcia na-feature sa TikTok video ni Bella Poarch, sey ng netizens: May sumingit sa pila!

Therese Arceo - April 16, 2022 - 12:50 PM

Joshua Garcia na-feature sa TikTok video ni Bella Poarch, sey ng netizens: May sumingit sa pila!

IBANG level na talaga ang kagwapuhan ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia dahil maging ang Filipino-American singer at TikTok sensation na si Bella Poarch ay nabighani na sa kanya.

Agad na nag-viral ang latest TikTok video ng dalaga kung saan ang POV ay tila hindi na mawala sa isip niya ang aktor at naaalala niya pa rin ito habang nagluluto.

“Singer ba siya?” caption ni Bella na sinagot naman ni Joshua ng face with peeking eye emoji.

Umabot na nga sa 11.4 million views ang video ng dalaga.

Bagamat marami ang kinikilig sa pagkakasama ni Joshua sa video ng dalaga ay may mga palabang netizens pa rin na nag-react at pabirong sinabihan ang “Build A B*tch” singer na umayos dahil may pila.

“Walang idol idol dito. Pila din pag may time bhie,” comment ng isang netizen.

“Ayun na tapos na ang laban kuya Joshua,” hirit naman ng isa pang netizen.

Saad pa ng isang netizen, “Sorry Bella, walang sikat sikat dito pumila ka.”

 

@bellapoarchSinger ba sya?✨♬ Love Me Back (Fayahh Beat) – Trinidad Cardona & Robinson

 

Maski ang isa sa mga kaibigan at kasamahan ni Joshua sa industriya na si Joross Gamboa ay napa-comment.

“May bago na namang love team,” saad nito na umano ng 199 heart reactions.

Matapos naman ang kanilang naging interaction sa TikTok ay makikitang pina-follow na nina Joshua at Bella ang isa’t isa sa Instagram.

Nadawit pa nga ang pangalan ni Ivana Alawi na aminadong may gusto sa aktor at isa rin sa mga bumida sa music video ng dalaga na “Inferno”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

“Bella Poarch followed Joshua Garcia on Instagram. Bagal ni Ivana Alawi may sumingit na sa pila, yung ship ko, lumaban ka Jane de Leon,” tweet ng isang netizen.

Mapapa-sabi ka na lang talaga ng “Grabe ka na, 2022!” sa mga nali-link sa Kapamilya actor.

Kamakailan lang ay hinihinala ng mga netizens na baka may “something” sa pagitan nina Joshua at Trina Guytingco, isa sa mga malalapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo at parte ng Ateneo Women’s basketball team.

Muli nga silang nag-trending matapos siyang pasalamatan at tawaging “rumored boyfriend” ng dalaga sa comment nito kanyang Instagram post.

Na-link rin ito sa isa pa niyang malapit na kaibigang si Ria Atayde.

Pero ang tanong ng madlang pipol, sino ba talaga sa mga ito ang makapagpapatibok ulit ng puso ni Joshua Garcia?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia?

Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya…

Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending