Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila Bandera

Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Ervin Santiago |October 31,2021
share this

Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Ervin Santiago October 31, 2021 - 10:31 AM

Ria Atayde, Joshua Garcia, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Sofia Andres at Daniel Miranda

FEELING blessed ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa pagkakaroon ng mga tunay na kaibigan sa katauhan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ipinagmamalaki ng binata ang kabaitan at pagiging totoong tao ng celebrity couple na naging sandalan niya noong may mga pinagdaraanan siya sa buhay, lalo na nang magsimula na ang COVID-19 pandemic.

Sa mga hindi pa aware, naging close si Joshua sa KathNiel nang makasama niya ang magka-loveteam sa pelikulang “Barcelona: A Love Untold” na ipinalabas noong 2016. 

“Sila kasi yung nandu’n sa akin nu’ng time na nag-pandemic at nakakulong lang lagi ako sa kuwarto. Hindi kasi ako mahilig lumabas.

“So ang laking tulong na ginawa nila na lumalabas kami, ang dami naming activities na ginagawa and sila rin kasi yung nandiyan nu’ng time na yung time na may problema ako, sila yung nandiyan para sa akin.

“Hindi sila nawala kahit na aminado ako nawala ako. Sobrang pasasalamat lang at sobrang grateful ako na nandiyan sila para sa akin. 

“I think sobrang suwerte ko na naging kaibigan ko sila,” ang pahayag ni Joshua sa ginanap na virtual mediacon ng bagong Kapamilya drama series na “Viral Scandal.”

Kung matatandaan, palaging kasama si Joshua sa mga out-of-town trips nina DJ at Kath nitong mga nakaraang buwan kung saan ka-join din ang iba pa nilang mga kaibigan tulad nina Ria Atayde at Sofia Andres.


Samantala, sa latest series ng ABS-CBN na “Viral Scandal”, gagampanan ni Joshua ang role ni architect Kyle Tolentino kung saan ang magiging sentrong tema ng kuwento ay ang viral scandal ng karakter ni Charlie Dizon. 

“Dapat panoorin ng mga tao ito kasi napapanahon yung kuwento niya. Ang daming nagba-viral na videos ngayon at napakagagaling ng mga cast, ng mga director. Siyempre yung lesson na nabibigay ng mga tao, yung matututunan ng mga tao,” chika ni Joshua.

“Yung take ko siyempre unfair talaga kahit hindi babae. Pero halimbawa nailagay ka sa ganung klaseng video na hindi mo ginusto, eh, talagang masama and for me sana yung mga tao mas maging open at alamin nila yung facts sa talagang nangyari.

“Kasi yun yung mahirap sa panahon ngayon na jinu-judge lang ng tao base sa nakikita nilang kumakalat,” ang sabi pa ng aktor tungkol sa mga nabibiktima ng video o sex scandal sa social media.

Kung siya ang mabibiktima ng online scandal paano niya ito haharapin? “Depende siguro sa sitwasyon, depende sa klase ng video na nag-viral. Kung alam kong kailangan ko mag-explain, mag-e-explain ako. 

“Kung kailangan kong huwag na lang magsalita, ganu’n ang gagawin ko. Depende talaga sa sitwasyon,” dagdag pa ni Joshua.

Makakasama rin sa “Viral Scandal” sina Jake Cuenca, Jameson Blake, Markus Paterson, Ria Atayde, Maxene Magalona, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada, Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces at Aya Fernandez.

Mapapanood ito sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC at TFC IPTV.

Joshua nanginig ang buong katawan dahil kay Charlie; ABS-CBN tuloy ang mga ‘pasabog’ para sa buong mundo

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending