May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia? | Bandera

May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia?

Therese Arceo |March 30,2022
facebook
share this

May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia?

Therese Arceo - March 30, 2022 - 08:40 PM

May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia?
CURIOUS ngayon ang mga netizens kung sino ang mysterious girl sa likod ng mga Instagram stories ng aktor na si Joshua Garcia.

Marami sa mga netizens ang sumubok humula kung sino nga ba ito ngunit walang nakakuha sa tamang sagot hanggang sa i-repost na ito ni Trina Guytingco.

Para sa mga hindi aware, si Trina ay parte ng Ateneo Women’s Basketball Team at isa rin sa mga malalapit na kaibigan ng box-office queen na si Kathryn Bernardo.

Sa ngayon ay nasa El Nido, Palawan sila Joshua bilang selebrasyon ng ika-26th birthday ni Kathryn.

Kasama nila ang mga kaibigang sina Daniel Padilla, Ria Atayde, Alora Sasam, Zanjoe Marudo, at Kyle Echarri.

Mas umigting naman ang pagiging “Marites” ng mga netizens matapos mag-post ni Trina ng mga larawan sa kanyang Instagram kasama ang mga kaibigan at sa dulo ay makikita ang selfie nila ni Joshua na may brown heart emoji bilang caption.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina G (@trinaguytingco)

 

Nang i-check namin ang comment section sa naturang post ay napakarami ang kinikilig sa dalawa.

“Last pic. Sorry ate Trina huhu kinikilig talaga ako,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Huhu bakit parang couple shirt ‘yung last pic?”

Napansin rin ng isang netizen na tila magkahawig nga ang suot nilang shirt sa naturang photo.

“Bagay sila ni Joshua. Hmmm was it a coincidence [that they are] wearing white shirt?” sey ng netizen.

Tapos na nga ba ang pila ng mga nagkakagusto sa aktor dahil may nanalo na at kay Trina na nga ba ang korona at puso ng binata?

Well, sa ngayon ay wala pa namang pahayag si Joshua ukol sa kumakalat na chika at mukhang abala pa ito sa pag-e-enjoy sa Palawan kasama ang mga kaibigan.

Pero hiling naman ng netizens na sana’y galawin na ni Joshua ang baso kung talagang sila na ng dalaga dahil kung totoo man ay sila ang unang-unang magiging masaya para sa lovelife ng kanilang iniidolo.

Related Chika:
Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya…

#Jojowain: Si Ivana Alawi na nga ba ang nagpapasaya ngayon kay Joshua Garcia?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending