Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya... Bandera

Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya…

Therese Arceo |October 13,2021
share this

Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya…

Therese Arceo October 13, 2021 - 05:11 PM

AWARE naman ang lahat na super crush ni Ivana Alawi ang aktor na si Joshua Garcia. Ito nga ay matapos ang viral vlog nito kung saan na-prank siya ng kaniyang pamilya bilang selebrasyon ng kaniyang 2nd anniversary sa YouTube.

Isa na nga sa mga pakulo ng kapatid niyang si Mona ay ang compilation ng video greeting ng mga malalapit na kaibigan ng aktres pati na rin ang crush nito na sina Joshua Garcia at Liza Soberano.

Kaya naman isa iyon sa mga naitanong ni Ogie Diaz nang interbyuhin nito ang dalaga.

“Para sa akin, I’m a normal person. Mayroon akong mga crush, mayroon akong girl crush, marami akong hinahangaan and normal sa akin,” sey ng famous vlogger.

Amin rin niya, hindi pa niya nakikita nang personal ang binata. Isa raw sa mga nagustuhan ng dalaga kay Joshua ay dahil mabait ito at cute ang mukha.

“Nakita ko parang family-oriented pero hindi ko masabi kasi ‘di ko pa siya nami-meet in person,” chika pa ng dalaga.

“Uy sorry ha. Baka nag-e-expect kang dala namin. ‘Di namin dala [si Joshua],” sey ni Mama Ogs.

Dito nga ay sinabi ni Ivana na alam niyang imposibleng naroon si Joshua dahil nasa taping ito.

“Hindi ah, joke lang. Alam ko ‘yun. Ka-chat ko siya. Alam ko, nasa taping siya. Wow, updated,” natatawang saad naman ni Ivana.

Aminado si Ivana na nakakausap niya sa Instagram ang aktof pero hindi pa raw nila alam ang number ng isa’t isa dahil wala pa naman daw sila sa ganung level.

Nang tanungin naman siya kung iba-vlog niya sakaling manligaw sa kanya ang aktor o itatago niya, mukhang pinili ni Ivana ang huli.

“Ang hirap kasi na bawat may mangyayaring maganda o bawat may manliligaw, iba-vlog mo agad. It should be kept private and special.

“Not just to Joshua but sa mga nanliligaw o manliligaw, parang ayoko lang na patang iba-vlog ko lahat… something should be kept private unless sobrang sigurado na, super sure na ako sa taong ‘yon, ipapakita ko,” sey ng aktres.

Ayaw raw niya kasi na iba-vlog niya ‘yung tao tapos pag naghiwalay ay idi-delete niya sa channel niya. Gusto niya kung ano ang ipapakita niya ay sure na siya.

Chika pa niya, si Joshua na lang daw ang tanungin nang tanungin siya kung sakaling ligawan siya ng aktor.

“Gusto ko kasing makilala muna siya bago ko kurutin ‘yung sarili ko,” saad pa niya.

Ang mga bet raw niya sa lalaki ay mga family-oriented, respectful, at tanggap ang kaniyang pamilya.

Pangarap rin ni Ivana na ikasal. Sa katunayan, 21 years old daw ang original plan niya na ikasal pero dahil wala, 30 years old na ang kaniyang pangarap na age na ikasal.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending